CHAPTER 8

1K 429 114
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 8
Written by: krisjulie_02

Klanx/ Dwyne's P.O.V.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko saka dumeretso sa banyo para maligo. It's already a month mula nang umuwi kami rito sa tagaytay, at mula noon ay lagi ko nang kasama si, Xyriee. Mabilis akong naligo, at nagbihis dahil may usapan kami ni Xy na pupunta kami ngayon sa Hacienda ng pamilya namin.

"Master Dwyne, nasa baba na po si Lady Xyriee hinihintay na po kayo," sabi ng isang boses mula sa intercom na nasa loob ng kwarto ko.

Masaya akong lumabas ng kwarto ko nang marinig ko iyon. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko lalo na pag magkausap kami, at nagbibiruan.

Pagbaba ko ng hagdan ay kaagad kong nakita si Xyriee na nakasimangot na nakaupo sa pang isahang sofa rito sa salas ng mansyon.

"Ang aga-aga nakasimangot ka," sabi ko para makuha ang pansin niya.

Kaagad niya akong nilingon, at tiningnan nang masama saka ako inirapan at bahagyang tinalukuran.

"Nakakainis ka kasi e, sabi mo sa akin kagabi susunduin mo ako sa mansyon namin, nagpromise ka pa hindi rin naman pala matutupad," inis na sabi niya sa akin na ikinangiti ko.

" Sorry na, nakipagbonding pa ako kina Dwight kagabi kaya naman tinanghali ako ng gising. Kung gusto mo para makabawi ako sa iyo, ipagluluto na lang kita tapos sabayan mo akong mag-almusal. Ano sa tingin mo?" sabi ko sa kaniya.

Kaagad niya akong hinarap saka nagniningning ang mga mata na nagsalita. " Sure iyan ahh," masaya niyang sabi.

Kaagad ko siyang tinanguan, at saka siya hinawakan sa kamay. Hinila ko siya papunta sa may kusina ng mansyon, at masayang naghanda ng pagkain.

"Hmm, ang sarap mo talagang magluto samantalang dati ni hindi mo nga alam kung paano humawak ng spatula at pag tinuturuan naman kitang magluto nagagalit ka sa akin kasi lagi kang napapaso tapos sasabihin mo na kaya nga Bussiness Administration ang kinuha mong kurso kasi ayaw mong magluto. Hindi ko akalain na isang araw matitikman ko ang niluto mo. Talaga ngang nagbago ka na Klein," seryosong sabi sa akin ni, Xyriee.

Ngumiti lamang ako, at nagpatuloy sa kinakain ko. Hindi ko rin alam na marunong pala akong magluto. Nalaman ko lang ito nang minsan kaming naligaw dito sa kusina, at napagdesisyonan kung magluto.

Nang matapos kaming kumain ay masaya kaming nagtungo sa kotse ko na nakapark sa labas ng mansyon. Pinaready ko na iyon bago kami kumain kaya naman nandoon iyon.

"Klein, alam mo sobrang dami nating memories sa hacienda na iyon. Doon tayo lagi napunta pag wala tayong pasok, doon din tayo naglalaro at minsan doon na din tayo natutulog," masaya niyang sabi na para bang inaalala ang mga nakaraan namin.

Lihim lamang akong napangiti habang nakikita ko ang masaya niyang ekspresyon samantalang ang puso ko ay hindi na magkanda ugaga sa sobrang bilis nang pagtibok.

Bigla na naman akong nakaramdam ng kuryente nang hawakan niya ang aking kamay. Para lamang nung unang beses na hinawakan niya ang kamay ko, may kung anong kuryente na bumalot sa sistema ko.

Ilang oras pa at dumating na rin kami sa Hacienda De Familia Fossler. Magalang kaming sinalubong ng mga katiwala ng hacienda at masayang binati.

Nginitian lamang namin sila saka diretsong pumunta sa loob nang napakalaking mansyon ng pamilya at may ilang oras na nagpahinga saka namin napag desisyonan na mangabayo at libutin ang buong hacienda.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz