CHAPTER 9

905 402 273
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 9
Written by: IMRGREYI

Don Bejamin's P.O.V.

Tinignan ko sa huling pagkakataon ang dalawa kong apo saka dumiretso na sa owner upang umalis na. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung bakit pinapagalitan ni Nestor ang mga apo ko. Sigurado akong may nagawa silang kasalanan kaya nagawa yun ni Nestor.

"Mahal, may problema ba? Kanina ka pa tahimik," nag-aalalang tanong ng aking may bahay.

"May iniisip lamang ako mahal," sabi ko habang malalim parin ang iniisip.

"Nestor, bakit mo pinagalitan kanina iyong dalawa? May nangyari ba?" nagtataka kong tanong kay Nestor na nakatingin lamang sa labas ng sasakyan.

Halatang nagulat si Nestor sa tinanong ko na hindi ko mawari kung bakit. Maya-maya pa'y sumagot siya sa akin na tila ba may malaking bagay itong itinatago sa amin.

"Wa-la na-man po Do-n B-en-ja-min," utal-utal niyang tugon sa akin.

Napakunot noo ako sa sagot niya. Wala naman akong sinabi na nakakatakot kaya bakit siya nauutal?

"Kitang-kita ko kaninang sinigawan mo sila kaya sigurado akong may nangyari. Sabihin mo na ang totoo ano ba talaga ang nangyari kanina?" seryoso kong tanong sa kaniya.

" W-wala po talaga Don Benjamin," kinakabahan na sabi ni Nestor.

"Mukhang wala naman nangyaring masama mahal hayaan mo na 'wag mo na palakihin pa at sigurado akong pinagsasabihan lang ni Mang Nestor iyong dalawa." Tumingin ako bigla sa aking asawa matapos niyang sabihin ito, at ilang minuto rin akong hindi nagsalita kakaisip. Baka masyado nga lang talaga akong nag-iisip.

Tumingin ako muli kay Nestor ngunit hindi ko matanggal-tanggal sa isip ko na mayroon talagang nangyari kanina ngunit ayoko ring pilitin siya na aminin ang totoo dahil baka wala rin naman talagang nangyari, at nag-iisip lang ako na mayroon. Kaya naman ay hindi ko na rin siya tinanong kung ano ba ang tunay na dahilan bakit niya sinigawan ang mga apo ko.

Ngunit may kutob ako na may dapat akong malaman kaya naman ay sinarili ko muna ang hinala ko at baka magalit pa sa akin ang asawa ko kung ipagpatulo ko pang ipilit ang usaping ito. Ilang minuto rin ang nagdaan at sa wakas ay nakarating na rin kami sa mansyon na inuuwian namin ng aking asawa.

Matapos naming bumaba ay dumiretso si Nestor sa kuwadra ng mga kabayo upang pakainin ang mga ito habang ang asawa ko naman ay agad-agad binisita ang mga tanim niyang bulaklak sa aming hardin. Habang ako naman ay dumiretso a loob ng aming mansyon at sinalubong ako ng aking sekretarya.

"Ashnie, may ipapagawa ako sa iyo sumunod ka sa opisina ko pagtapos mong gawin iyong mga dapat mong gawin sa araw na ito," nagmamadali kong sambit.

"Masusunod po, Don Benjamin." Habang mabikas siyang yumuko.

Hindi ko na rin pinansin ang paggalang niya sa akin at agad-agad akong dumiretso sa opisina ko upang gawin ang mga tambak na gawain na kailangan kong tapusin. Ilang minuto na rin ang lumipas habang sinimulan ko nang gawin ang mga dapat kong tapusin ngayong araw na ito ng biglang may kumatok sa pinto ko upang mapatigil ako bigla sa pagbabasa ng mga dokumento na nasa mesa ko.

"Sino iyan?" kaswal kong tanong.

"Si, Ashnie po ito," malumanay niyang tugon sa akin.

"Pasok," seryoso kong sabi sa kaniya.

Pumasok na siya at may bitbit-bitbit siyang mga papeles na sigurado ako ay kailangan ko rin asikasuhin. Kaya naman ay huminga na lang din ako ng malalim dahil alam ko na hindi nanaman ako makakatulog nang maaga nito mamaya at mapagaantay ko nanaman ang aking asawa.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now