CHAPTER 18

427 194 27
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 18
Written by krisjulie_02

Klanx'/Dwyne Klein's P.O.V.

Pinanood ko lamang ang palayong bulto ni Trent hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Alam ko namang tututol siya, of course sino bang matinong tao ang papayag na makipag relasyon ang kapatid mo sa pinsan mo diba? Matagal akong nakatitig sa pinaglabasan niya bago ko napagdesisyonan na sundan siya.

Mabilis akong nagtungo sa nakaparada kong kotse at sumakay doon. Kaagad akong nagmaneho papunta sa mansyon nina Xyriee at pumarada sa lugar na makikita ko ang nasa loob ng bahay. Saktong tigil ko sa lugar na iyon, biglang lumabas si Xyriee mula sa loob ng mansyon at tulalang lumapit sa poolside.

Kaagad lumambot ang itsura ko nang makita ko siya. "Xyriee, I miss you," malungkot kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa babaeng tinitibok ng puso ko.

Its been a long time since we last see each other. Hindi mawala sa akin ang hindi siya mamiss, at mag alala sa lagay niya lalo na; at hindi ko siya nakikita.

Maya-maya pa ay kita ko ang pagpasok nang isang kotse sa loob ng mansyon. Pumarada iyon sa harapan ng mansyon at lumabas doon si Trent na may dalang brown paperbag na may tatak ng isang mamahaling restaurant.

"Trent," mahina kong bulong sa sarili ko.

Habang sinasabi ko ang pangalan niya isang kakaibang bagay ang biglang kong naramdaman, ito ay emosyon ng galit para sa kaniya na hindi ko alam kung saang parte ng utak ko nanggaling.

"Bakit naman ako magagalit sa kaniya? Wala naman siyang ginagawang masama sa akin." Matagal ko na itong nararamdaman sa sarili ko na simula nang dumating si Trent ay parang may masamang aura akong nararamdaman sa kaniya, iyong tipong parang may ginawa siyang mali sa akin na hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Muli kong itinuon ang taensyon ko kay Xyriee na nakaupo sa may poolside. Maya-maya pa ay nilapitan siya ni Trent at may kung anong sinabi pero napansin ko na para bang walang paki alam si Xyriee kay Trent. Ano bang nangyayari kay Xyriee?

May ilang minuto rin akong nagmamasid mula sa labas ng mansyon nila nang mapansin ko ang isang puting kotse na may clear window na kitang-kita ang mga tao sa loob niyon.

Mula sa kinatatayuan ko, isang magandang babae ang nakita kong nakaupo sa backseat noon at tila ba wala sa sarili niya. Maya-maya pa unti-unti nang nawala sa paningin ko ang kotse at napalitan iyon nang napakalapad na gate ng Mansyon nina, Xyriee.

Napabuntong hininga na lamang ako saka pumasok sa loob ng kotse ko at nagmaneho papauwi sa amin. Habang nasa daan ay hindi ko maintintindihan kung bakit hindi mawala sa isip ko ang itsura ng babaeng nasa loob ng kotse.

"Ellonia," bulong ko sa aking sarili.

Napailing ako ng parang may isang boses na bumulong sa tainga ko. Hindi ko na lamang pinansin iyon hanggang sa makarating ako sa bahay namin at, masalubong ko ang hingal na hingal na si, Euna.

"My god kuya! Saan ka galing?" hinihingal na tanong niya na parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng makita niya ako.

"Nagpahangin lang," tipid kong sagot sa kaniya.

Tiningnan niya ako na para bang may mali sa akin saka ako hinawakan sa noo.

"Is something wrong happened kuya? You don't look okay, do you have a fever? Masama ba pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ni Euna sa akin habang sinisilip ang kabuuan ng itsura niya.

"No, nothing happened to me, may isang bagay lang akong hindi ko maintindihan sa sarili ko," kaagad kong sabi

Kita ko ang biglang pamumutla ni Euna na para bang may kung anong bagay akong sinabi na ikinakatakot niya.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now