CHAPTER 10

742 370 144
                                    

The lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 10
Written by: krisjulie_02

Klanx'/Dwyne's P.O.V.

"Kuya, okay ka lang? Para yatang balisa ka?" Biglang tanong sa akin ni Dwune na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

Kanina pa ako hindi mapakali, at malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kagabi pa ako ganito mula noong may magnanakaw na pumasok sa mansyon namin.

"Dwune naman, iniisip lang niyan si Ainz. Alam mo na, hindi siya pinuntahan ngayon kaya iyan, wala sa sarili," nang aasar na sabi ni Dwight.

Sasagot na sana ako ng isang braso ang yumakap sa akin mula sa likuran ko. Kaagad na nagbago ang expression ng mukha ko sa pag aakala na si Xyriee ang yumakap sa akin.

"Xy-"

Hindi ko na naituloy ang dapat sana'y sasabihin ko nang biglang nagsalita si Euna na inaasar asar ako. "Nah, its me your little sissy. Kuya nakakatampo ka na mukha ka ng Xyriee ei,"

Napailing na lamang ako nang malaman ko na si Euna lang pala ang yumakap sa akin. "Malay ko bang ikaw iyan, lagi kaya kayong wala rito sa Mansyon. Itong kambal nasa kompanya samantalang ikaw, at si Papa laging nasa ospital. Si mama naman kadalasang wala dahil sa itinatayo niyang bagong bussiness sa Manila. Tanging si Xyriee lang lagi ang nakakasama ko kasi una sa lahat ayaw naman ninyo akong papasukin sa trabaho. Ilang buwan na rin akong tengga sa bahay na ito ano?" mahaba kong litanya sa kanilang tatlo.

" Sorry naman kuya, alam mo kasi kuya masyado ka naming mahal at ayaw namin na mawala ka ulit sa amin kaya naman hindi ka muna namin hinahayaang magtrabaho at saka, wala ka namang naaalala sa mga ginagawa mo rati sa opisina kaya sure akong hindi mo rin alam kung anong gagawin sa kompanya," sagot naman ni, Euna.

Bumuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya, totoo ang sinabi nila. Wala nga akong maalala sa ginagawa ko noon sa kumpanya kaya naman siguradong palpak ang mga gagawin ko kung sakali mang nandoon ako.

Hindi na ako muling umimik kaya naman muli na naman akong kinulit ng tatlo kong nakababatang kapatid. Akmang maghahabulan sana kami nang humahangos na dumating si Papa na para bang may masamang nangyari.

"Dwyne, sumama ka sa akin. Pupunta tayo sa mga lolo mo, may mahalaga raw siyang sasabihin." sabi sa akin ni Papa.

Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, bakit bigla na lamang akong pinatawag ng Lolo namin kasama ang aking mga magulang? Nakasakay kami ngayon sa aming family van namin, at papunta na kami sa Hacienda de Fossler para puntahan si Lolo.

"Dwyne ayos ka lang? Ano ba kasing nangyari, at pinapupunta tayo dito ng Lolo mo?" nag-aalalang tanong ni, Mama.

"Hindi ko po alam ma," kaagad kong sagot kay mama

Ilang minuto pa, at nakarating na kami sa mansyon ng aming lolo. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan kasunod nina mama at papa, saka pumasok sa loob ng mansyon.

Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko nang makita ko sina Xyriee kasama ng mommy at daddy niya na nakaupo sa isang mahabang sofa. Kaagad kaming nagkatinginan ni Xyriee na parehas kinakabahan sa nangyayari.

Ilang saglit pa at pumasok na rito si lola na magiliw naming binati ngunit bigla kaming natahimik ng pumasok si Lolo. Nakakunot ang noo ni lolo, at mukhang galit. Akmang lalapit ako sa kaniya ng bigla na lamang akong sampalin ng pagkalakas-lakas ng lolo namin.

"Pa! Bakit mo sinaktan si Dwyne?" tarantang sabi ni Papa nang makalapit siya sa akin.

" Yan anak mo Hyron, akala ko noong una sadyang malapit lamang sina Xyriee at Dwyne pero nagkamali ako. Yang dalawang iyan, may relasyon silang dalawa na higit pa sa magpinsan!" galit na bulyaw ng akin lolo sa amin.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant