CHAPTER 20

393 188 12
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 20
Written by: IMRGREYI

Klanx' P.O.V.

Matapos ang ilang minutong pag-iisip ko'y tumingin ako bigla sa nagbukas ng pinto. Sina Mama at Papa lang pala iyon ngunit nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na babalik sila agad. Kita ko sa mga mukha nila na sobrang lungkot nila ngayon kaya naman ay napaisip din ako, at baka sinabi rin ni Doc ang mga sinabi ko ngayon at ang posibilidad na unti-unti nang babalik ang mga ala-ala ko.

Unti-unti silang lumapit sa akinat niyakap ako nang mahigpit matapos makalapit sa akin. Naramdaman ko bigla ang mga luha na pumatak mula kay Mama kaya naman ay napatingin na rin ako sa kaniya, at pinunasan ang mga luha niya.

"Ano ka ba naman, 'wag ka nang umiyak diyan," natatawang sabi ni, Papa. Ngumisi bigla si Mama dahil dito at sabay kaming tumawang tatlo.

Ngumiti na lang din ako dahil sobrang babaw ng luha ni Mama, at sobrang sweet niya sa akin pati na rin sa mga kapatid ko; at kay Papa. Kahit pa'no ay gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa pagyakap nila sa akin kaya naman ay pinili ko na lang din na hindi umuna isipin ang mga ala-ala ko

"Ikaw naman kasi Dwyne, bakit ka kasi nahimatay bigla kanina. Pinag-alala mo ako masyado alam mo ba iyon." Sabay hampas sa akin sa braso.

"Alam ko naman po iyon mama pero hindi ko rin po alam na nahimatay ako kanina nabigla na lang din po akong magising kanina na rito na pala ako." Sabay kamot sa aking ulo na may pilit na ngiti. Ngumiti na lang din sila sa akin nang sinabi ko ito.

Tumingin ako bigla sa paligid dahil hindi ko napapansin ang mga kapatid ko. "Nasaan po pala sina Euna at iyong kambal?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Pumasok silang tatlo ng maaga, at mamaya sila iyong magbabantay sa iyo. Aalis din kasi kaming dalawa ng mama mo, at pupunta pa kami sa bahay ng lolo mo." Bigla niyang ginulo ang buhok ko.

"Magpagaling ka na agad para naman makauwi ka na rin agad bukas kung papayagan ng doctor," malumanay na saad ni, Mama.

"Bakit po pala kayo pupunta kanila lolo?" nagtataka kong tanong sa kanila.

Nagtinginan muna silang dalawa bago ako sagutin ni, Papa. "May kailangan lang kaming ipaapam sa kaniya, at 'wag kang mag-alala susubukan namin ngayon na kombinsihin sila para hindi na rin kayo mahirapan ni, Xyriee."

"Sana nga po'y 'wag na silang tumutol sa amin ni, Xyriee. Ilang araw na rin po kami hindi nakakapagkita, gustong-gusto ko na siya makasama," malungkot kong sambit.

"Hayaan mo; unting antay na lang. Tulad nang sabi namin sa iyo dadating din ang araw na makakapagsama na kayong dalawa," masaya niyang sabi sa akin.

"Kaya unting tiis na lang Dwyne, malapit-lapit na iyong araw na iyon," dagdag pa ni, Papa

"Oh, sige na po. Mauna na kayo at anong oras na rin baka gabihin pa kayo mamaya makauwi kung sakali. Tatawagan ko na lang din iyong tatlo para malaman kung anong oras sila makakapunta rito," tugon ko naman.

Nagtitigan sina mama at papa dahil dito at tumungo na lang din. Bago sila umalis ay ilang beses akong pinagsabihan ni Mama nang mga dapat kong gawin at mga bawal. Kitang-kita ko ang pagmamahal niya sa akin dahil sa mga kinikilos niya kaya naman ay ngumiti na lang din ako, at ilang minuto ay umalis na rin silang dalawa.

Nabalot nang katahimikan ang buong kwarto dahil wala rin naman akong kasama ngayon. Bigla sumagi sa isip ko ang mga naaalala ko kanina at kung totoo nga na iyon, siguro'y hindi ako masaya sa nakaraang buhay ko. Biglang pumasok sa isip ko ang bawat masasayang ala-ala namin ng pamilya ko ngayon.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now