CHAPTER 16

491 259 20
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 16
Written by: krisjulie_02

Trent' P. O. V.

Ilang saglit pa't malapit na ako sa lugar na patutunguhan ko. Matagal na panahon na rin mula ng huli kong nakita si, Klein. Sigurado akong malakin-malaki na ang pinagbago ng lalakong iyon. Pangiti-ngiti ako; habang iniisip kung ano ang mga bagay na sasabihin ko sa kaniya. Ilang minuto pa't nasa tapat na ako ng mataas na bakod ng mansyon nila.

"Trent Warren Fossler," kaagad kong sabi sa guard ng akma niya akong tatanungin. Ipinakita ko ang aking I.D. at kaagad naman niya akong pinapasok na may ngiti sa kaniyang mga labi.

Ilang minuto pa akong nagmaneho hanggang sa makarating ako sa harapan ng mansyon. Kaagad akong bumaba ng sasakyan ko, at nagtungo sa may pinto ng mansyon nina tito Hyron.

"Trent?"

Napalingon ako ng may marinig akong isang pambabaeng boses. Kaagad akong napangiti nang makita ko si Euna; na nakatingin sa akin at halatang nagulat.

"Yo? Kamusta?" nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Trent!" masaya niyang sigaw, sabay lapit sa akin na nakabuka ang mga kamay.

Niyakap ako ni Euna; nang mahigpit at magiliw na kinausap. "Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ahh, ang gwapo mo lalo," masayang sabi niya.

" Ayos naman, buhay pa rin sa awa ng diyos. Nga pala, nandito ba si Klein? Siya kasi talaga iyong pinunta ko rito, sabi kasi nina Mom at Dad bumalik na raw siya," nakangiti kong sabi.

Nginitian lamang ako ni Euna, saka tinusok-tusok ang tagiliran ko para kilitiin ako. "Yiee, namiss mo kuya ko no?" nangungulit niyang sabi.

" Of course, alam mo namang sanggang dikit kami noon. Parehas kami nang kinahihiligan, at ugali kaya magkasundo kami," nakangiti kong sagot kay, Euna.

Lalo akong kinulit ni Euna saka pabirong nagsalita. "Ayiee ayieee, ayan si Kuya, oh; pababa na ng hagdan."

"Talaga?" tanong ko sa kaniya.

Nilingon ko ang may hagdanan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita ko. No, he- he's not K-Klein.

"Klanx?" bigla kong sabi habang nakatulala sa bulto ni Klanx na pababa ng hagdanan.

"Klanx? Sino iyon?" nagtatakang sabi ni, Euna.

Hindi ako makasagot kay Euna dahil nakatulala lamang ako sa lalaking bumababa ng hagdanan. Hindi ako pwedeng magkamali, siya iyon. Ang lalaking dinukot ko, binugbog ko at- binaril ko sa ulo, pero paanong buhay siya, at na rito sa bahay nina, Tito Hyron?

Kaagad akong namutla nang maalala ko ang ginawa ko sa kaniya. Ako ang bumaril sa kaniya, kaya sigurado akong natatandaan niya ako. Akmang tatalikod na sana ako, at aalis nang biglang tawagin ni Euna si, Klanx.

"Kuyaaaaaa, may bisita ka," masayang sabi ni Euna na nakapagpatigil sa akin.

"Sino?" naguguluhang tanong ni, Klanx.

Si Klanx nga iyon, ang boses na iyon, hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Iyon ang boses ng lalaking tunay na nagmamay ari sa babaeng minamahal ko.

"Si Trent, kapatid ni Xyriee mah labs mo," parang walang paki alam na sabi ni, Euna.

Unti-unti akong napalingon sa kinaroroonan ng dalawa, at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Klanx kasunod noon ang pagtingin niya sa akin.

"Trent?" Nagtataka pa rin niyang tanong.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Where stories live. Discover now