CHAPTER 5

1.2K 534 149
                                    

The Lost Memories of a Young Ruffian

Chapter 5
Written by: IMRGREYI

Klanx' P.O.V.

Matapos akong yakapin ng mga taong importante sa akin ngayon ay pinunasan ko ang mga luha na nasa mukha ko pa. Napatingin ako sa mga kamag-anak namin na nakapalibot sa amin na may ngiti sa kanilang mga labi, at nginitian ko rin sila.

"Simulan na natin ang kainan sigurado akong gutom na rin kayo," masayang sabi sa amin ni, Papa.

Agad-agad kaming minadali ni Mama upang umupo nang magkakatabi. Habang naglalakad ay may napansin akong isang magandang babaeng nakasuot ng pulang bistida. Sa hindi ko inaasahan ay tumingin din siya sa akin at nginitian ako, pero hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang iniwas ang mga tingin ko sa kaniya.

Kahit na sama-sama na kami ng mga kapatid kong nakaupo ay hindi ko pa rin siya maalis sa isip ko. Tandang-tanda ko pa rin ang bilog na bilog niyang mga mata, ang matangos niyang ilong, ang maputi niyang kutis, at ang bigla niyang pagngiti sa akin. Ngunit bumalik ako sa sarili ko ng bigla akong akbayan ni, Euna.

"Kanina ka pa wala sa sarili simula nang umupo tayo kuya. May nararamdaman ka ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Okay lang ako, may iniisip lang ako na ayaw umalis sa isip ko." Sabay inom ng malamig na tubig na nasa tapat ko.

"Hulaan ko, gusto mo siguro malaman kung anong pangalan nung babaeng nakapulang bistina no?" Bigla siyang lumapit lalo sa akin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong ni, Euna. Kaya naman ay iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya pero sa pag-iwas ko nang tingin ay ang mga mata naman ng babaeng pinag-uusapan namin ang sumalubong sa akin. Sa pagkakataon namang ito ay siya ang umiwas sa akin ng tingin.

Hindi ko alam pero sa tingin ko ay kanina niya pa ako tinititigan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya naman ay uminom muli ako nang malamig na tubig.

"Oh, tama nga ang iniisip ko. Mamaya kung may pagkakataon ipapakilala kita sa kaniya," malumanay niyang sabi sa akin.

"Sigurado ka?" Bigla akong humarap sa kaniya na may tuwang kitang-kita sa aking mukha. Ngunit nang makita ko ang itsura ni Euna na nabigla sa akin ay napayuko na lang din ako.

Matapos ng ilang minuto ay tumawa siya bigla na lalo ko lang kinahiya. "Sigurado ako kuya kaya pigilan mo muna iyang saya na nararamdaman mo," pabiro niyang sabi sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi.

Hindi na ako sumagot sa kaniya at sinimulan ko na ring kumain. Ilang minuto lang ang lumipas at sumunod na rin ang mga kapatid kong kumain. Ngunit napatigil akong kumain pati na rin ang mga kapatid ko dahil napatingin kaming lahat kay papa na naglalakad papuntang gitna.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Sana ay nagustuhan niyo iyong mga pagkain na nakahain," mabikas niyang sambit.

"Nandito tayong lahat dahil may isang magandang balita akong gustong sabihin sa inyong lahat." Sabay senyas sa akin upang pumanta sa tabi niya.

Tumingin ako bigla kay mama dahil hindi ko alam kung bakit ako pinapapunta ni Papa sa harapan. "Mamaya ko na ipapaliwanag basta sa ngayon ay samahan mo na ang papa mo roon nag-aantay na rin siya sa iyo," seryosong niyang sabi.

Tumayo na rin ako agad at napag-aantay ko na si, Papa. "Alam niyo naman sigurong lahat na nawala ang aming panganay na anak noong nakalipas na sampung taon, pero salamat na lang din at natapos na ang ilang taon naming pangungulila. Gusto kong makilala niyong lahat ang aking panganay na anak, Dwyne Klein Fossler." Biglang nagpalakpakan ang lahat ng mga taong nasa loob ng aming mansyon.

Lost Memories Of A Young Ruffian (On Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum