Chapter 1

4.3K 128 37
                                    

"Oh sino nga ulit yung laging late?" Natatawang tanong ni Rheniel.

"Kasalanan ko ba kung papasok ako ng early sa second period class ha?" Sagot ko dito.

"Sino nga ulit yung engineer hunter dito?" Tanong ni Jaime habang natatawa.

"Sino naman kaya yung tumawid sa kalsada na parang siyam ang buhay, tapos muntik ng mabangga siya pa galit hahaha" Pagpaparinig naman ni Rhea.

"Mga fuck kayo!" Sigaw ko sa kanila.

They burst into laughter. Tawang tawa amputa. Batukan ko to isa isa eh.

"Sino naman kaya ang mag mamadre, tapos mag aanak daw muna ng sampo bago mag madre?" Nang aasar na tanong ko habang nakatingin kay Rhea.

"Nagbibiro lang naman ako nun bwisit ka." She answered.

"Sino kaya yung gusto din ng engineer, pero di siya gusto?"

"Grabe ka ha! Over qualified lang daw ako sa standards niya pag dating sa jowa." Sagot ni Rheniel habang di maipinta ang mukhang nakatingin sakin. I laughed.

"Eh sino naman dito yung pupunta sa pedestrian lane at magpapabangga para magka-pera?" I can't stop laughing. Ang sama ng tingin sakin ng tatlong ito.

"Oh? Bakit ganyan mga mukha niyo? Hahahahaha." I asked them.

We're here at the top of the hill. Sa pinaka mataas na bahagi ng bundok dito sa isla ng Convallaria. We owned this place. May cottage kaming pinatayo sa tuktok ng bundok kung saan makikita mo ang kabuuan ng isla. Makikita mo rin ang lawak ng dagat. This place is so perfect. Bawat sulok talagang nakakaakit tignan. Nalalanghap mo ang sariwang hangin. Nakakagaan sa loob, lalo na pag may problema ka.

Lagi kaming nakatambay dito 'pag free time namin. Pag may problema ang isa o kaya pag walang ginagawa. We stayed here for a long moment. Minsan natutulog kami dito. May bahay kami dito malapit lang sa cottage. Pinatayo talaga ni Daddy dito, kasi dati tuwing weekend natutulog kami dito. Family bondings. Celebrating birthdays, anniversaries and such. Nakaka-miss. Sadly, wala na si Dad.

"Bilisan niyo na dyan, gabi na. Baka hinahanap na tayo." Sabi ko sakanila.

"Oh my gosh! 6:30 na pala? Shit! Ave, sabihin mo kay Lola na natagalan tayo sa pag gawa ng projects ha?" Rheniel told me.

"Yeah, sure. Ako na bahala dun. Basta, bilisan niyo na dyan at ako ang malilintikan kay mommy." I told them.

Rheniel and I had a strict parents. Kaya bawal kami gabihin. May curfew kami. Naiinggit nga kami kina Rhea at Jaime kasi sila pinapayagan basta magpapaalam lang sila.

Sana all

Actually, kanina pa kami tapos sa projects namin. Easy lang naman yun. Nag selfie pa kasi mga 'to. I can't blame them. Ang ganda talaga ng view dito sa taas. Tsaka kumain pa kami at nag kwentuhan kaya natagalan kami. Kailangan lang kasi naming mag unwind. Nakaka-stress ang mga homeworks at projects namin. Nagkasabay-sabay.

"Ang ganda ng kuha ko dito" naka ngiting sabi ni Rheniel samin.

Pustahan. Pag kauwi ng mga 'to magpapalit to ng profile pictures.

Naghihintay yung kotse ko sa baba. Kaya nung nakakababa kami ay agad kaming sumakay. I drove the car. Nung nabubuhay pa si daddy, tinuturuan niya ko mag drive. Rheniel was sitting on the passenger seat. While Rhea and Jaime was sitting on the shotgun seat.

They can't stop arguing kung sino ang maganda ang kuha sa picture. Tahimik lang ako habang nagda-drive. Ganun ako, tsaka lang ako mag sasalita kapag game ako sa usapan.

Tempted (Convallaria Series #1)Where stories live. Discover now