Chapter 7

2K 91 7
                                    


"Oh bat tulala ka na naman dyan?" Tanong ni Rheniel habang nilalapag ang lunch namin. Nasa cafeteria kami dumeretso pagkatapos ng Math subject namin.

"I-kain mo na muna yan." She added.

"Thanks." Wala pa rin sa sariling tugon ko.

"Iniisip mo pa rin ba kung si Rhys talaga yun?" Rhea asked.

"Tingin ko pinagtitripan ka lang nun Ave." Napatingin ako kay Jaime matapos niyang sabihin yun. She had a point. Paano kung hindi nga si Rhys yun.

"Kasi kung si Rhys yun, bakit hindi agad siya nagpakilala nung una pa lang?" Jaime asked confusedly.

"Baka naman ayaw niya lang." Rheniel answered.

"Oo nga." Rhea agreed.

"Bakit naman ayaw niya magpakilala? Kasi sa tingin ko nagpapanggap lang na si Rhys yan." Jaime said, then she looks at me.

"Bakit naman magpapanggap siya o kung sino man yun?" Rheniel asked.

"Maybe para makausap niya si Ave." Sagot ni Jaime.

"Oo nga kasi nung nasa fast food tayo nun ang sungit niya. Ilang beses niya pa akong muntik sagasaan." Nakatingin silang tatlo sakin habang sinasabi ko yun.

"Pero bakit naman niya sasabihin yun o kung sino mang hinayupak na yun? Kasi nalilito na talaga ako." I groaned.

"I'm just concerned for you, Ave. Mabuti na ang nag-iingat." Jaime said.

"Your grandmother is a Governor of this province. Hindi natin masasabi na safe ka. Paano kung yun ang way niya para pagtangkaan ang buhay mo o ng pamilya mo. Nasa politics ang pamilya mo, kaya ka dito sa isla para malayo ka sa kapahamakan. Your family is receiving a lot of death threats. Kabilang ka sa mga threats na yun. Ayoko lang mapahamak ka. Ayoko kawalan ng kaibigan." She sighed. Jaime has a point.

"I got an idea para malaman natin kung si Rhys yun." Rhea said excitedly.

"How?" Rheniel raised her right eyebrow as she faced Rhea.

"Yayain mo mag date!" She exclaimed.

Binatukan siya ni Rheniel.

"Gaga ka talaga! Alam mong delikado ang buhay ng kaibigan natin tapos yan pa ang isa-suggest mo? Paano kung sabihin nun na sa isang lugar sila mag date tapos dun niya pagtangkaan si Ave? Utak mo talaga may ubo." Rheniel rolled her eyes after saying those. Umiiling iling na lang si Jaime.

"Ako talaga ha? Seriously? Ako pa talaga magyayaya sa kanya?" I asked Rhea unbelievably.

"Sa lahat ng model na nakilala ko, ito yung tanga." Hindi makapaniwalang saad ni Rheniel habang nanunuyang tumingin kay Rhea. Rhea glared at her while Jaime chuckled.

After we finished eating our lunch at the cafeteria. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa library.

"Samahan ka na namin, Ave." Rhea said.

"No, it's okay. May hihiramin lang akong libro sa library tapos susunod na lang ako sa inyo."

"Sigurado ka, Ave?" Jaime asked.

"Oo. Saglit lang naman to." I told them.

Nasa locker kami kumukuha ng libro at periodic table of elements para sa chemistry subject namin.

"Sige, hintayin ka na lang namin dito para sabay na tayo pumunta ng room." Rheniel said.

Mabilis akong pumunta ng library para humiram ng libro sa chemistry at physics. Mag-aaral kasi ako mamaya sa bahay. Nasa second floor ang library. Pagdating ko dun, hinanap ko kaagad ang chemistry at physics na libro. Pagkahanap ko ay agad kong kinuha ang library card ko. Pagkatapos kong hiramin ang mga libro ay naglakad na ako pabalik. Habang Naglalakad ay biglang tumunog ang phone ko. Nag text si Rhys. Si Rhys nga ba to? Binasa ko yung text niya.

Tempted (Convallaria Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum