Chapter 49

396 10 2
                                    




Pagkatapos nang nangyari noong gabing iyon. Nagulantang ang lahat. The news was fast. Everyone thought I was dead. Kaya kahit saang article o website kumakalat ang balita. Nagkagulo sa loob ng hall at nakita ko na lang ang sarili ko na hinihila ni Rhys papalayo sa mga nagsisiksikan na mga media. We went to his hotel room. Hinatid niya ako doon at pagkalabas niya hindi na siya bumalik. Naghintay ako hanggang madaling araw na bumalik siya pero nakatulog na ako at nagising wala akong nakita na Rhys. I was hoping that night na sana makapa-usap kami. So that I can explain everything to him. Pero makalipas ang isang araw wala pa rin akong balita sa kanya. Hindi na rin siya bumalik sa room niya. Maybe he's still mad at me.


"Oh!" Sabay lapag ni Rheann nang mga pagkain sa harap ko.

Nandito kami ngayon sa rest house namin sa tuktok ng bundok ng islang ito.

Nakaupo ako sa damuhan habang nakatingin sa mapayapang alon ng dagat ng islang ito. Tanaw na tanaw ko ang buong isla at mapayapa ang paligid.

Nandito silang tatlo ngayon sa tabi ko. Sasamahan daw nila ako mag emote sa araw na ito.

"Be thankful na nandito kami kahit busy kagandahan namin sa maraming bagay pinuntahan ka pa namin dito for moral support." Sarkastikong pagsabi ni Rhea.

"Wow! Thank you ha?" I sarcastically said.

"Hindi ka pa rin ba kinakausap ni Rhys?" Jaime asked.

Umiling lang ako. I don't have the energy to answer them.

"Dahil kaibigan mo ako, tutulungan kita mag-overthink. What if narealize niya na hindi ka na niya mahal? Hala paano ka na niyan?" Madamdaming sabi ni Rhea.

Bintukan siya ng dalawa.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago tsk!" Rheann said.

"Pinapaoverthink mo pa lalo eh." Sabi naman ni Jaime.

"Baka katulad mo, gusto niya rin makapag-isip muna ghorl. Hindi biro pinagdaanan ni Rhys nung nalaman niya na sumabog ang sinasakyan mo. Kahit kami nagulat sa balitang iyon. Si Rhys hindi natulog, hinahanap ka pa rin nun doon sa pinagsabugan ng sasakyan mo. Ilang araw siyang ganun. Nagwawala siya kapag pinipigilan siya. Kaya sinabi ng mommy mo na hayaan na muna namin siya at siya na raw bahala kumausap. Nakita ko kung paano siya magluksa. Kung makikita mo lang kung gaano siya naging miserable noong mawala ka. Kahit ako naaawa ako kay Rhys noon. Tapos noong malaman namin na buhay ka pa, gusto ko sabihin sa kaniya iyon kaso ang sabi ng mommy mo huwag muna at delikado." Rheann told me.

Pumapatak ang masagang luha sa mga mata ko. Parehas kaming nasaktan sa nangyari pero mas masakit yata ang mga pinagdaanan ni Rhys noong mga panahon na iyon. Parang nadudurog ang puso ko tuwing pumapasok sa isip ko yung mga panahon na hinahanap niya ako. Noong mga panahong hindi siya sumukong hanapin ako.

The three hugged me.

"Huwag mo na isipin ang nangyari sa nakaraan. What you have to do now is to fix this. Hanggat may oras pa ayusin mo na agad. Maraming ahas sa paligid." Rheann said.

"True, tandaan mo ikaw ang legal na asawa. Fight for your rights." Jaime said.

"Kung ako sa inyo magpaparty muna kaya tayo. Drinks on me!" Sabi naman ni Rhea.

"Broken ka na naman ba?" Biro ko.

"Magpaparty lang, broken agad? Na miss ko lang yung mga ginagawa natin noon." Depensa agad ni Rhea.

"Tara na nga, masama tumanggi sa alak na libre." Rheann said.

"Hay nako, palibhasa walang may magagalit kapag nagparty-party." Jaime said.

"Oo nga, sino magbabantay kay Yvo?" I asked them.

"Hatid natin sa lola niya HAHAHAHAHAHAHAHA." Rheann suggested.


Nagtungo kami ng Antique para ihatid si Yvo sa lola niya. Natuwa naman si mommy nang makita si Yvo. Nag-usap kami ni mommy saglit bago kami umalis. Hindi na ako sinermonan ni mommy sa desisyon kong umuwi dito. Wala rin siyang komento tungkol sa balita ngayon. Pagkatapos kong iwan kay mommy si Yvo ay pumunta na kami sa isang bar dito sa Antique.

Loud music & blinding lights welcomed us as we entered the bar. Naghanap kami nang table. Nang makaupo kami sa table namin ay agad nag-order ng maiinom si Rhea.

"Oh ayan! Magpakalasing ka minsan lang ito. Shot! Shot!" Rhea gave me a shot glass.

"May plano ba kayong lasingin ako?" I asked them.

"Kaya nga tayo nandito para magpakalasing." Rheann said.

"May pinaplano kayo 'no?" I asked them again.

"Uminom ka na lang puro ka hinala. Ayan shot pa." Rhea gave me another her drink.

Hindi ko alam kung nakailang shot na ako. Nagyaya si Rheann na magpicture kaming lahat kaya todo pose naman kami.

"Tara sayaw tayo!" Rheann told us.

Hawak kamay kaming pumunta sa dancefloor. Medyo nahihilo ako dahil naparami na rin ang inom ko. Mas lalo akong nahihilo sa kumikislap na ilaw sa loob ng bar. Sumasayaw kaming apat habang si Rheann ay nagpipicture habang sumasayaw. Nakita kong nagvivideo pa siya pero patuloy lang kami sa pagsayaw. May nasasagi na si Rhea sa gilid niya at agad naman siyang humingi ng tawad dito.

Naramdaman kong may humawak sa bewang ko kaya napatingin ako sa likuran ko.

"Hey, gorgeous." He said. Hindi ko kilala pero tingin ko ay lagi siya nandito sa bar na ito.

"Lucas, owner of this bar. You?" Pagpapakilala niya nung hindi ko siya pinansin.

"Ave."

"Nice meeting you, Ave." He said. I smiled at him. Nahihilo na talaga ako.

Nag-usap pa kami doon. We talked about random things. Nagtanong din siya kung bakit nandito kami ngayon. Nakasama pa namin siya uminom sa table namin. Friendly naman siya at ang mga kasama ko nakikitawa rin sa mga jokes niya.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako ng comfort room.

"Sama ako, Ave." Jaime followed me.

Nauna akong lumabas sa cubicle. Si Jaime ay na sa loob pa rin ng cubicle.

"Antayin mo na lang ako sa labas, Ave." sabi niya.

Naglakad ako palabas ng comfort room. Nakaramdam ako ng pagkahilo tapos biglang umikot paningin ko.

"Careful." It was Lucas. He holds

"Ang dami mo na kasi nainom. Kaya mo pa ba maglakad?" He asked me.

Inalalayan niya ako pero biglang may humila sa akin mula kay Lucas. Narinig ko pa ang pagbagsak ng katawan ni Lucas sa sahig.

"Don't you ever touch my wife!"

He glared at Lucas before he turned to face me. He carried me. Mabilis kaming nakalabas sa bar habang karga niya ako. I felt so dizzy to give a damn fvck to what happened. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan niya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto ko matulog.

"How can you have fun inside while I'm waiting for you to comeback to me and tell me that you missed me." He mumbled before he starts his car engine.




Tempted|Black_ArAr


A/N:
Sorry for the late update. Nagkatrangkaso ako eh so nag iiwas ako sa phone. Hindi rin bumababa body temperature ko. But now I am okay na. Vote and comments are highly appreciated. Thank you!

5 more chapters before the Epilogue. Are you guys ready? Ako hindi pa huhu ayoko pa matapos but everything must come to an end daw sabi nila kaya kapit lang, malapit na tayo sa ending.

Tempted (Convallaria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon