Chapter 54

489 12 2
                                    

A/N: wag muna kayo umiyak, meron pa... lol

——————————————————————————


"Rhys..."

Everything went slow. My eyes was fixed to Rhys who's on the floor now. My hands were trembling.

"Rhys!"

Agad akong lumapit sa kaniya. Pinaunan ko siya sa mga hita ko.

Napansin nila kami kaya agad din sila lumapit sa amin.

"Tumawag kayo ng Ambulance!" My mom shouted.

"Rhys, Rhys, don't sleep." I told him.

Pumipikit kasi ang mga mata niya. Natamaan siya sa likod. Pagkarating ng ambulance ay agad siya kinarga. I was still holding his hand while silently praying. Sumama ako sa loob ng ambulance. Bago pa masara ang pinto ng ambulance ay nakita ko si Agatha na nakaposas at nakatingin sa direksyon namin. Napayuko siya nang tumama ang mga mata niya sa akin.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Rhys sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital kaya nakarating kami agad.

Agad siyang dinala sa Emergency Room. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Paulit-ulit akong nagdadasal sa isip ko.

Please, iligtas mo siya.

Nagfill-up ako ng form. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Nakasunod kaagad si mommy pagkatapos niya pumunta sa Police Station.

Dinala na si Rhys sa Operating Room. Sinabi ng doctor sa amin na ang bala ay may nadaplisang internal organ ni Rhys. Marami ring dugo ang nawala sa kaniya. Nakatulala lang ako sa labas ng Operating Room. Si mommy ay na sa tabi ko at kakatapos lang tumawag. Kanina pa siya may tinatawagan at kinakausap sa phone pero wala doon ang atensyon ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatulala. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyari. Naramdaman ko lang ang mahinang paglapat ng kamay ni mommy sa braso ko.

"Nak, kumain ka muna." She told me.

Nakatulala pa rin akong umiiling.

"Rhys's mom called..."

"They will be here in any minute. Dadalhin nila si Yvo. Ang sabi ni Jaime ay sila na ni Kaiden ang bahalang magbantay muna kay Yvo. Doon lang sila sa Cafeteria ng hospital maghihintay. Iyak nang iyak si Yvo. Hinahanap niya kayo ni Rhys."

Napatingin ako kay mommy.

How could I forget Yvo?

Napahilamos ako sa mukha. Ang dami kong iniisip sa mga oras na ito at nakalimutan ko na ang anak ko.

Nakarating na sina Mommy Aila at Daddy Rhyden. Sinalubong sila ni mommy.

"What happened to our son?" Agad na tanong nila.

Mommy explained to them. Agad naman akong tumayo para puntahan si Yvo sa cafeteria. Lumilipad ang isip ko habang naglalakad papunta doon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko ang mga nangyari. Dali-dali akong pumunta sa cafeteria. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang anak ko na kasama si Stellar at ang mag-asawa. Napalingon sa gawi ko si Yvo at agad bumaba sa upuan at tumakbo papunta sa akin.

"Mommy!"

I hugged him tightly as I cry.

"Where's daddy?" Napatingin ako sa kaniyang mga mata.

I looked at Jaime before I faced Yvo.

"Listen, Yvo. Daddy is in critical condition right now. I want you to pray for him. Do you hear me?"

Tempted (Convallaria Series #1)Where stories live. Discover now