Chapter 40

1.1K 27 10
                                    

After 3 years


"Congratulations, ladies!" Rhys congratulated us.

After 3 years, sa wakas nakapagtapos na kami ng college. Another chapter to unlock. We all graduated with a latin honors.

Nandito kami at nakikipag-picture. Kahit madaming problema ang dumating sa amin ay nagpapasalamat pa rin kami at nalampasan namin iyon. The pain helps us to become more stronger and braver. All of the struggles and obstacles we faced teaches us to be more patient and stronger everyday. We lost important people in our lives, but it teaches us to stand up for our selves and fight alone because it was all part of growing up. Losing it and learning from it.

"Dahil maghihiwalay tayo ng ilang taon, kailangan magsaya tayo ngayon. Matagal pa bago natin makita ulit ang isa't isa." Rheniel said.

"I'm gonna miss you all." Rhea told us.

"Hell yeah! Magsisimula pa lang ang kalbaryo ko. I'm going to live with my husband abroad. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi hindi ko pa siya kilala at hindi pa kami nagkikita." Jaime said before she sighed.

"I and Rhys are planning to live together in the same roof. Since we already finished college." I told them.

"Magpapaalam muna ako sa mommy niya bago kami magsasama sa iisang bubong. Syempre, basbas ng magulang ang kailangan." Rhys added.

"Sana lahat naka premium subscription sa pag-ibig. Kami kasi puro free trial." Nauurat na sabi ni Rheniel.

"Bawal kayo magtagal sa ibang bansa. A-attend pa kayo ng kasal namin." Rhys told them.

"Wow, hindi ka pa nga nagpo-propose kay Ave eh. Tapos gusto niyo magsama sa iisang bubong. Kalokohan." Jaime told Rhys. Nagtawanan naman kami.

"Syempre magpo-propose ako. Pero hindi pa ngayon kasi kailangan ko pa makausap si tita."

"Yun naman pala eh. Mga kontrabida talaga ang mga ito oh." Rhea said.

"Pero syempre kapag kinasal na kayo hindi kami mawawala. Uuwi agad kami kapag kinasal kayo. Hindi pwedeng hindi kami a-attend 'no!" Rheniel said.

"Oo nga" sabay na sabi ng dalawa.

"Awe, nakakatouch naman kayo." I told them.

"A-attend kami sa kasal niyo. Syempre hindi pwedeng mawala kami, pagkain habol namin eh. Akala niyo kayo? Bitter kami kaya wala kaming pakealam sa kasal niyo." Rheniel added. Nagtawanan pa silang tatlo.

"Aba ang kakapal naman ng apog niyo. Huwag na kayo umuwi tangina niyo. Fake friends!"

Nagtawanan ulit kami bago magyakapan.

My mom is here a while ago. Nakita niya si Rhys na kasama ako but she never did anything, instead she congratulate Rhys. I guess she's okay with Rhys. Nag-attend siya ng graduation ko pero pagkatapos ay umalis din agad siya. She was busy 'cause she was the new elected Governor. Hindi na tumakbo si lola ngayong halalan kaya si mommy ang pumalit sa kanya. Ganun pa rin ang nanalong Congressman. I never told her that I already know who killed dad. Hindi ko rin alam kung bakit niya ginawa yun. Hahayaan ko na siya mismo ang aamin sa kasalanan niya. I don't even know her reasons o kung may malalim iyon na dahilan.


Pumunta kami sa bar dito sa BGC. Libre raw ni Rhys kaya naman tuwang tuwa ang mga kaibigan ko. Kasama namin ang iilan sa mga kaklase ni Rhys sa department nila. Halos lalaki lang kasi alam niya na malalagot siya sa akin kapag may isinama siyang babae mula sa department nila, maliban na lang kung girlfriend ng mga kasama niya.

We had fun. Uminom kami hanggang sa mahilo kami. Sumayaw kami nila Rheann, Rhea at Jaime. Rhys was looking at me. May lalapit o didikit lang na lalaki sa amin ay agad siyang tumatayo para ilayo kaming tatlo.

Tempted (Convallaria Series #1)Where stories live. Discover now