MUNI-HUNI NG SAKIT

121 41 8
                                    

Bakit ang dilim na naman ng paligid?
Huni ng insekto ay akin ng naririnig;
Dilim ay sumapit na, 'yan ay aking batid;
Nagsimula na ulit umulan sa loob ng silid.

Pagkamuhi sabi ng kuliglig;
Paniki ay naghihinagpis ang tinig;
Angil ng aso ay galit ng pag-uusig;
Palaka ay malungkot ang himig.

Pinipiling pakinggan ang mga ito kaysa mga musika sa radyo;
Ayokong magkwento ng lungkot sa pamamagitan ng telepono.
Damputin nalang ang paborito kong libro;
At sandaling kalimutan ulit ang mundong ito.

Dinala ako sa isang kakaibang mundo;
Pagkamuhi, hinagpis, galit at lungkot ay naglaho.
Ngunit napag-alaman kong panandalian lang ito;
Teka nga lang, 'yoko na umalis dito.

Utang na loob hayaan mo akong manatili;
Sa mundong hindi ko na maramdaman ang lungkot at pagkamuhi,
Sa munding galit at hinagpis ay ayaw manatili,
Sa mundong makapagpahinga ang puso ko kahit sandali.

-BloodyPen (YUW)

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon