HAIKU: RELASYON

74 15 7
                                    


ISA
Sanay mag-isa
Ngunit nakilala ka
Sa'kin sama ka.

DALAWA
Atras Abante
Susugal ba? O hindi
Malas? Ah swerte

TATLO
Panalo? Talo?
Talo pag may pangatlo
Panigurado

APAT
Sulok ng kwarto
Tambayan 'pag nagtalo
Lumuha ako

LIMA
Maling relasyon
Maling tao't sitwasyon
Tamang panahon

ANIM
Sa pag-ibig ba?
Ako'y malas talaga
Kupido tanga

PITO
Swerte ko sayo
Iniintindi mo 'ko
Sa mga topak ko

-Bloodypen

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon