IRONY

82 21 0
                                    


Nakakatawang isipin na pagkatapos ng mahabang kwentohan at tawanan ay hiwalayan

Nakakatawa lang isipin na pagkatapos ng inuman ay yayakapin ka ng sakit ng ulo kinabukasan

Nakakatawang pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan ay nagdesisyon kayong magkalimutan nalang

Nakakatawa diba? Nakakatawa na ang ibig kong ipaintindi ay kung gaano nakakaiyak ang katotohanan.


Ngayong gabi ngingitian ka ng bilog na bilog na buwan

Pero sa susunod na gabi ay di mo sya masisilayan

Magtatago na naman sya sa kadiliman

At hahayaan ang mga bituin sa karimlan


Hiwalayan? Sakit ng ulo kinabukasan? Magkalimutan nalang? Nakakaiyak ang katotohanan?

Batid mo bang yan ang mga panghuling salita sa apat na pinakaunang talata nitong tula?

Pamilyar diba? Relasyon ninyo ay ganyan na ganyan ba?

H'wag kang mag-alala panigurado hindi ka nag-iisa.


Nakakatawa lang dahil noong wala ka pa ay kaya ko naman mag-isa

Gigising ng maaga kahit walang bumabati ng Magandang umaga

Matutulog ng maaga pagkatapos tumawag kina mama

Pero ngayon, bakit parang hindi ko kayang mag-isa?


Sinanay mo ako, sinanay mo akong nandyan ka

Tapos bigla ka nalang nawawala, pagod ka na yata

Pagod ka na sa aking mga drama

Pagod ka ng sumali sa aking storya.


Nakakatawa dahil dalawang dekada akong nasanay mag-isa

Pero noong dumating ka ay ayaw ko ng bumalik sa pag-iisa

Kaya mahal hahayaan muna kitang magpahinga

Magkita tayo sa susunod na kabanata.


-Bloodypen

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon