UNANG SUGAL (PANALO O TALO)

118 41 8
                                    

AUTHOR'S NOTE: "Ewan ko kung tula ba talaga 'to, Spoken Word Poetry kasi sana 'to, ah basta basahin n'yo nalang 😊 ipagpaumanhin n'yo ang anomang maling pagkakasulat."

~
Ang galing mo.. tinuruan mo ako
Kung paano turuan ang puso
Na maging matapang sa pag-amin ng nararamdaman nito
Tinuruan mo ako kung paano
Kabisahin ang mga bagay tungkol sayo
Maging ang mga larawan mo
At itatak ito sa aking isip
Na wari bang naging tattoo
Hindi ko alam kung paano ko nagawa
Ang sabihin sayo na nandito ka na
Sa puso kong matagal kong isinara
Ewan ko kung paano mo sinira
Ang kadenang itinali ko para di makawala
Ewan ko bakit parang di ka man lang nahirapan
Sa 'di maipaliwanag na dahilan
Nandito ka sa loob ng nakasaradong pintuan
Ng puso ko naninirahan
Ang nararamdaman ko'y pilit na pinipigilan
Pero para bang ang sarap sambitin ang bawat letra ng iyong pangalan.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman
This time ay aking susubukan
Alam kong maari akong umuwing sugatan
Sa dahilang pagkatalo sa labanan
Gayunpaman ay aking susubukang lumaban
Ayoko ng mag alinlangan
Ayaw kitang saktan
Ayokong tapusin ang sinimulan
Sa pagkakataong ito ay kailangan kong maging matapang,
At kailangan kong manalo sa laban.
Alam kong maaari akong masaktan pagdating sa dulo.
Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang ating kwento.
Aam kong maari akong masugatan ng husto
Pero nagdesisyon akong laban ay ederetso.
Umaasa, nangangarap, nagbabakasakali na
Ang laban na tu ay maipanalo nating dalawa
Ngunit subalit kahit na, alam ko na
Na malabo ang eksena
Ang eksenang maging masaya tayong dalawa.
Apat lima anim na buwan ba?
Pito walo siyam na taon ay kakayanin kaya?
Gayung isa dalawa tatlong linggo nga ay nahihirapan na.
Mag aaccounting ba tayo?
Well ganito yun..
Debit nalng muna natin pait at sakit
Tapos credit natin yung pagmamahal na ipinipilit.
Pero may mga bagay naman talagang hindi maipaliwanag ng salita.
Na maaaring ipahiwatig ng luha, na hindi ko naman pinapakita.
Ilang numero pa kaya ang susulatin ko,
Ilang numero pa kaya ang tatandaan ko
Ilang numero pa ba ang papahalagan ko
Bago ako maging mahalaga sa buhay mo
At gawin mong numero unong parte nito.
Pero syempre ito ay malabo
Imahinasyong napakalabong maging totoo.
Ayoko ng magkwento ayoko ng dulo.
Ayoko ng tumaya ayoko ng talo.
Ayoko tumakbo ayaw ko kasi huminto.

Dulo na 'to
Pero sa balang araw ay naniniwala pa rin ako.

-BloodyPen(YUW)

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon