GANITO AKO NILIKHA NG PANGINOON

67 10 0
                                    


[G]anito ang una kong naiisip sa t'wing pinaparamdam sa akin ng mga tao sa mundo ang mga kakulangan ko,

[A]ko'y tao lamang na anomang oras ay maaaring magkamali ng hakbang pero hindi 'yan rason para hindi mo ako bigyan ng respeto.

[N]ais kong masagot ang mga agam-agam, mga nakatinggang katanungan dito sa isipan ko.

[I]niinda ang bawat sakit na dulot ng mga matang tagos kung makahusga,

[T]ao ka rin diba? Bakit parang perpekto ka kung makaasta?

[O]o tao ka lang rin na nagkukunwaring anghel, mala hudas ang dahas na iyong dala sa iyong dila.


[A]ko'y nanatili lamang sa sulok kung saan nasanay ako sa katahimikan,

[K]ailangan kong umiwas sa anomang gulo na kasasangkutan sapagkat ganyan ako pinalaki ng aking mga magulang.

[O]rasan ko'y nakaplano ang bawat ikot at wala akong oras sa mga bagay na walang katuturan dahil maaga akong ginising ng katotohanan.


[N]ilikha ako na ganito, hindi ako kasing-mahiyain ng iniisip mo pero hindi ako madalas makihalubilo,

[I]sipin mo, hindi na nga ako halos lumalabas sa silid ko'y nagawa pa ring siraan ang pangalan ko.

[L]angit ay aking binato ng mga katanungan, bakit may mga taong sa mali ng iba ay laging nakaabang?

[I]nggit kaya ang dahilan? Bakit hindi nalang nila tingnan ang sariling mga kamalian?

[K]inailangan ba talagang palakihin ang maliit na butas na nakita sa halip na tahiin na lang?

[H]atid ba'y magandang pakiramdam pagkatapos akong gawan ng storya at siraan?

[A]king payo'y mag-iingat na lang dahil bawat hakbang may mga matang nakamanman.


[N]asanay na ako sa mga ganyang tao simula ng nagkatrabaho,

[G]inuhit ang aking kapalaran bilang matapang at palaban na tao.


[P]anginoon ang may likha sa'kin kaya't sa bawat maling ibinabato mo ay s'ya ang tinatamaan mo,

[A]ko'y nanahimik at hindi nakisawsaw sa mga isyu sa mundo pero hindi ako ang magpapa-api na tipo.

[N]oon ay ngumingiti lang ako, iniintindi ka at sinusunod ang mga sasabihin mo,

[G]inagawa ko ang mga bagay na sayo'y nagpapasaya.

[I]nis na ako, napagod ako dahil kahit anong gawin ko'y mali ko lang naman ang nasisilayan mo.

[N]gayon ay madalas mo akong sinisiraan pero hindi ko babaguhin ang sarili ko para magustuhan n'yo ako,

[O]o nagkakamali ako pero dito ako natututo at hindi maitatangging mas may alam ako kaysa sa'yo,

[O]o hindi ako perpekto,

[N]gunit sana'y maintindihan mo na ganito ako nilikha ng Panginon at ito ang aking disenyo.


Your_Unknown_Writer

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon