Hindi mabigkas, ayaw lumabas
Mga kataga't emosyon ay nagpupumiglas
Nais maglaho ng walang bakas
Sa sakit ng kahapon ay nais tumakas.
Lumang sugat na naging sanhi ng maraming piklat
Sa gabing madilim ay tulala't dilat
Sa katotohanan ng mundo ay maagang namulat
Inilalabas lahat sa pamamagitan ng panulat.
Ayoko na, Ako sana'y aalis na
Sa muling pagbabalik ng Nibiru ay sasama
Sa kalawakan ay tuluyang maglaho na
Kahit sandali lang, tatakas sa problema.
Lisanin ang sakit na bigay ng mga tao dito sa mundo,
Huhusgahan ka kahit 'di alam ang totoo.
Laganap ang krimen at hustisya ay malabo,
Sinasabi ko lang ang nakikita ng mga mata ko.
Nais kong tanungin ang buwan,
Ilang lihim na ba ang kanyang nalaman?
Sa totoo lang lihim akong humahanga sa buwan
Nakangiti pa rin kahit alam n'ya ang katotohan.
Hindi ako tulad ng buwan, nakangiti pa rin kahit balot ng dilim
Pilit limilitaw kahit makulimlim
Tahimik pa rin sa kabila ng mga alam n'yang lihim
Walang reklamo at patuloy na nag-ni-ningning.
Ako kasi hindi ko kaya, nais kong maglaho
Kahit sandali lang ay nais kong lumayo
Sa sirkulasyon ay aalis katulad ng Pluto
Ayoko na, Ayoko na dito.
Tama na... Ako ay magpapaalam na
Ako nga pala si Samantha
Nawalan ng Ama, iniwanan ng Ina
Pinagkaitan ng Hustisya
At pinagtaksilan ng taong kakampi ang aking pagkakilala.
BINABASA MO ANG
Mga Nahabing Tugma
PoetryMga tula -sa iba't ibang panahon (noon at ngayon) -sa iba't ibang sitwasyon -sa iba't ibang paksa