LINAWIN NATIN

55 5 0
                                    



Metapora, kuwento, damdamin at pandiwa;
Apura e-k'wento mo ang damdamin sa pamamagitan ng pandiwa.
Nagtataka ba kayo? Alamin bawat diwa;
Hindi lahat ng tula ay nakabase sa damdamin ng may gawa.

Ang aking pluma ay makulit,
Ang aking utak ay malikot,
Ang aking papel ay handa kahit mapunit,
Mundo ko'y halos sa metapora na umiikot.

Pananaw mo at pananaw ko ay magkaiba,
Pananaw mo at pananaw ko ay ginagawan ko ng tula.
Gusto ko lang linawin na,
Ang iba kong mga tula ay nakabase sa pananaw ng iba.

Nakikita ko sa lipunan,
Karanasan ng kaibigan,
Kriming nasaksihan,
Hindi lahat ng nakasulat na tugma ay sarili kong karanasan.

Nakamulat ang aking mata,
Pinagmamasdan kita,
Oo ikaw na nakaupo ngayon sa silya,
Habang sa aparatong ito nakatuon ang iyong mata.

Alam kong malungkot ka,
Ikaw na iniwan ng ama,
Ikaw na pinagalitan ng iyong ina,
Ikaw na siniraan ng kaibigan mo sa iba,
Oo ikaw na pagod na sa tinatrabahoan mong kompanya.

Alam kong umiyak ka kagabi,
Ikaw na laging umiintindi,
Ikaw na pinipilit ngumiti,
Sige tibayan mo pa ang pagkukubli.

Tula ko ay tula para sa'yo,
Damdaming nakapaloob ay ang damdaming nais isigaw ng iyong puso,
Linawin ko lang ulit sa inyo,
Hindi lahat ng tula ko ay nakabase sa nararamdaman ko.

Simulan natin sa mga nais mong isigaw sa mundo,
Namnamin mo ang mga katagang isusulat ko,
Kung maaari ay sambitin mo ito,
Upang kahit papa'no ay mapagaan ko loob mo.

"Bakit lagi nalang ako ang dapat na umintindi?"
"Bakit ako nalang palagi ang inyong sinisisi?"
"Bakit ako nalang palagi ang mali?"
"Pagod na akong umiyak gabi-gabi."

Sambitin mo ulit pagkatapos ay bumalik ka...

Hindi nila ako iniintindi pero iintindihin at mamahalin ko ang aking sarili.
Lagi nila akong sinisisi kaya magsisikap ako para mapatunayan kong nagkamali sila sa pagsisi.



-Bloodypen Yuw

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon