ANAGRAM: IKAW ANG AKING PAKSA

108 11 2
                                    

DALAGA

[I]kaw ang DALAGA na unang nagpatibok sa puso ko,
[K]ahit ito'y sarado ay pumasok ka na parang DAGA.
[A]ko'y AGAD na kinabahan DALA ng biglaang pagdating mo,
[W]ala akong GALA kaya sasamahan kita hanggang umAGA.

MAKATA

[A]ng MATA ko'y sayo nakatoon,
[N]giti mo'y AKMA talaga sa aking tulang baon.
[G]usto kita, grabe ang aking TAMA,
[A]ko nga pala ang iyong MAKATA.

PANULAT

[K]ilatisin ang aking PANULAT,
[I]yo sanang mawari yaong ULAT.
[N]ginig ang aking kamay nang TULA ay sinulat,
[G]umawa ng PANA para sa TALAng kumikislap.

ITINAKDA

[P]'wede ka bang makasama hanggang pagTANDA?
[A]lam mo bang NAAKIT mo lahat ng metapora sa aking AKDA?
[K]ITA mo ang pagDANAK ng pag-asa sa'king mga mata?
[SA]bi kasi ng bulalakaw ay ITINAKDA raw tayo sa isa't-isa.


Your_Unknown_Writer

Thank you 

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon