"ANG BIKTIMA AY BIKTIMA" (swp)

84 25 0
                                    


Naranasan mo na ba?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naranasan mo na ba?

Ang pagbintangan sa kasalanang 'di mo ginawa.

Naranasan mo na ba?

Ang maging biktima pero ikaw itong sinisisi nila.

Nararamdaman mo ba?

Ang sakit na dinaramdam ng biktima.

Nararamdaman mo ba?

Kung paano nya sinisisi ang sarili nya.

Bakit mo siya sinisisi sa nangyari?

May naitulong ka ba kahit konti?

Ginusto nya ba ang maging biktima?

Ang tanging mali lamang n'ya ay nagtiwala s'ya.

Sabihin mo...

Ano ang mas magandang gawin?

Biktima ay sisihin o Nangbibiktima ay pagbayarin.

Alam n'yo ba?

na ang bawat binibitawan n'yong kataga ay sumusugat lalo sa kanya.

Nakakapanlumo talaga

Kinikitiran n'yo ang inyong mga utak sa halip na paniwalaan sila.

Tinatawanan n'yo sa halip na tulungan s'ya.

Nakakalungkot lang talaga

Kung paanong hinusgahan n'yo ang biktima.

Inaalipusta n'yo sa halip na ibangon s'ya.

Kung ikaw kaya ang nalagay sa sitwasyon n'ya?

Tatahimik ka lang ba habang hinuhusgahan ka ng iba?

Kakayanin mo ba?

Kaya huwag kang magtataka kung bukas makalawa ay makita mo s'ya...

Nakahandusay sa sahig, walang malay at duguan

Nakahiga sa kama nya wala ng buhay at sugatan

Nakabitin sa puno, maputla na at luhaan

Kapag nangyari yan ay maaring isa ka sa pumatay sa kanya.

Pinatay mo siya sa pamamagitan ng maanghang mong salita.

Pinatay mo siya sa pamamagitan ng mapanghusga mong mata.

Pinatay mo siya sa pamamagitan ng iyong pagtawa.

Kapag nangyari 'yan ay tatanungin kita.

May ginawa ka ba para tulungan s'ya?

Pinakinggan mo ba ang mga salita n'ya?

Nasabihan mo ba s'ya ng kahit isang como esta?

Naniwala ka bang inosente s'ya?

Ipinagtanggol mo man lang ba s'ya?

Kaya ngayon palang ay imulat ang mata.

#StopVictimBlaming 'ika nga nila

Ngayon pa lang ay tigilan na ang panghuhusga sa kanila,

Tulungan natin silang makabangon

Sa putikan ay kailangan nilang makaahon

Tulungan natin silang kalimutan ang madilim na kahapon

Mabuting puso at pang-unawa ay isulong natin sa nayon.

Mula ngayon....

Kapag narinig mo na may ginahasang katulong

Sana ay hindi mo na huhusgahan ang katulong sa halip ay ipagdarasal mo na ang nanggahasa ay makulong.

Halimbawa lamang yan sa mga pangyayari sa lipunan

Kung saan ang hustisya ay malayong makamtan

Liwanag ay hirap masilayan

Kaya pakiusap! hinagpis ng biktima ay huwag na nating dagdagan.

Ang biktima ay biktima

kahit sabihin mo pang tanga sila.

Ang biktima ay biktima

kahit sabihin mo pang may pagkukulang sila.

Ang biktima ay biktima!,

Panghuhusga sa kanila ay itigil mo na!


-BloodyPen

@Your_Unknown_Writer

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon