[BAK]it p[A]rang [MAY] nag[BAGO]?

47 8 1
                                    


[L]umalamig na,
[A]ko lang ba ang nakakapansin na parang napang-iiwanan na ako.
[M]alapit na pala ang pasko, madalas na rin umuulan sa gabi kaya napapadalas na ang pagkape,
[I]hip ng hangin ay nag-iba na rin na marahil s'yang dahilan ng paglamig ng paligid-
[G]inaw ay nanunuot sa kalamnan pero walang ikaw na maaaring yumakap, antok ay kay-ilap.

[O]rasan ay mas mabilis na ang takbo kaysa noong nakaraan,
[R]elo ay hindi na mapipigilan, oo nga pala magkaiba tayo ng orasan.
[A]ko'y sanay sa matulin na pag-ikot ng mga daliri nito pero-
[S]inasabay pa rin kita kahit gaano pa kabilis ang indayog nito.

['D]i ko na rin natutugma ang mga salita,
[I]niwan na rin ako ng mga dating ideya,
[T]inigilan ko na rin ang paggawa ng storyang may magandang wakas.
[U]maga na, ngumiti na naman ang araw pero hindi ako ngumiti pabalik,
[G]umamela'y namumukadkad na naman pero maya-maya'y matutuyo din naman.
[M]ata'y umaambon pero ayokong simulan at baka ang pagtila ay matatagalan na naman,
[A]lam ko naman na walang permanente kaya lahat ay posibleng mangyari.

[A]yos lang sana'y na ako sa pagpabago-bago ng klima ng panahon,
[Y]abag ng paparating at papaalis ay akin na ring nakasanayan.
[O]o nga pala mainit dito kahapon pero kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang paglamig,
[S]ana ay ayos ka lang d'yan, pakinggan mo nalang ang himig ng ulan.

[L]amig ay aking titiisin hanggang sa bumalik ang dating init,
[A]ayosin ko na ulit ang mga nasirang tula sa kadahilanang nawalan ng tugma.
[N]awa'y hindi ka mapagod intindihin ang hinabing talinghaga,
[G]aling sa manunula[t] man ang emosyon o galing sa iba,
[A]king akda ay huwag mo masyadong iniinda-
[K]ulang pa ako sa hasa kaya maaring maling emosyon ang naikasa.
[O]o nga pala baka makalimutan ko, Ayos lang ako.

Your_Unknown_Writer





Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon