KOMPLEKADONG RELASYON

52 12 0
                                    

Ang tulang ito ay basi sa pananaw ng isa sa aking mga kaibigan anim na taon na ang nakararaan. Ating tunghayan:

Relasyon na sobrang komplikado.
Paano nga ba napasok dito?
Pasensyang mahaba ang kailangan nito
Para sa nobyo na suplado.

Sakit sa puso ay gumagaling
Kapag s'ya ay naglalambing
Tampo ay agad na naglalaho
Kapag s'ya ay nagsusumamo.

Hay! Pag-ibig
Minsan ay nakakasakit.
Pagtukoy sa tunay na pagmamahal
Paano nga ba at bakit?

Nang dahil sa pagmamahal na sobra
Dilat kong mga mata
Ngayon ay bulag na
At sa katotohanan ay di na makakita.

Your_Unknown_Writer

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon