[KA]I[LA]N[GAN] KITA (paubaya)

69 4 0
                                    

Para sa mga bestfriend out there. HAHAHA

Inspired by "Paubaya" ni Moira Dela Torre


A-Ba-Ka-Da, paano ba ikakasa?

Pantig A, Aminadong tatanga-tanga.

Pantig Ba, Bakit nga ba mahal mo'y iba?

Pantig Ka, Kalagan na't magpaubaya.

Pantig Da, Dahil 'di s'ya sayo sasaya.


Oh teka 'di pa tapos ang aking tula basahin mo muna,

Pansin mo ba na ang unang limang taludtud ay may tamang sukat at tugma?

Syempre hindi dahil s'ya lang naman ang napapansin mo diba?

Katulad na lamang ng pagmamahal ko sa'yo na may tamang timpla.

Mapatula man o pagkatao naming dalawa.

Madalas mong sinasabi saakin na kailangan kita pero magkaiba ang kailangan kita sa mahal kita.

Noong iniwan ka n'ya ay nanatili ako diba, sandalan at karamay mo noong sobrang lakas ng ulan.

Tagahawak ng payong dahil hinang-hina ka na at naguguluhan.

Ayaw kong maiwan kang mag-isa kaya sinamahan kita sa iyong daan.

Hanggang sa tuluyan ng lumitaw ang araw at ngumingiti na ulit ang buwan.


Masaya na ulit tayong dalawa, apat na taon na rin ang nakalipas simula noong iniwan ka n'ya.

Akala ko sa akin ay masaya ka na, Akala ko ako'y sapat na.

Pero kailangan mo lang pala ako kapag siya ay may ibang kasama.

Kailan pa, kailan pa kayo muling nagkikita?

Kaya pala ika'y nanlalamig na, akala ko pa naman dulot lang ito ng paparating na pasko.

Bakit hindi ko napansin na hanggang ngayon ay hawak n'ya pa rin ang puso mo.

Kaya heto ako ngayon sa kanto nakayuko, aminadong nauto.

Durog na Durog ang puso at kasabay ng ulan ay umaagos ang maalat na likido.


Nakita kita kanina, hawak mo ulit ang kamay n'ya.

Oo may iba ka at ang masakit ay s'ya pa rin pala.

Bawat pintig ng puso ko ay sakit ang himig,

Iba ang iyong titig at naririnig ko ang matamis mong tinig.

Nakatindig ako sa harap nyo at ang  sakit ay 'di kayang ipahiwatig ng patinig at katinig.

Ako nga ang kasama mo sa silid pero iba naman ang iyong iniibig.


Bakit hindi mo sinabi na siya pala ang pipiliin mo sa huli?

Sinamahan kitang magsimula muli ng walang atubili,

Pero iba pala ang nasa isip mo kahit ako ang katabi.

Pagod na akong magbakasakali, puputulin ko na ang pulang tali.


Kakalagan na kita, magpapaubaya ako't hahayaan kang sumaya.

Malaya ka na, kasing laya ng aking tula.

Iniibig kita, inibig kita at saksi ang bawat pantig ng mga nahabi kong tugma.

Sana ay mamahalin ka n'ya at 'di na muling lolokohin pa.

Minahal kita mula umpisa pero heto ako mag-uumpisa ulit ng mag-isa.


Huling Tula sa

Maling Paksa.

Hiling sa Tala

Ika'y hindi na paluhain pa.


Hindi na mamimilit para 'di na mamilipit sa sakit at pait na dulot ng pag-ibig.

Hindi ka na maiipit kinalagan na kita ng taling mahigpit at sisimulan ko ng magligpit ng damit.


Panamilit...


Your_Unknown_Writer







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon