NANG LUMISAN KA

108 41 11
                                    

Walang Bilang. Binuo nyo ako dahil sa pag-ibig.
Isinilang ako, pinalaki't minahal ng labis.
Isa, Dalawa, tatlo. Tatlong taong gulang palang ay kasa kasama mo na ako.
Apat na taong gulang ay sinimulang paaralin ninyo.

Lima, Anim. Mga medalya koy pinagmamalaki ninyo.
Pito, wala, siyam, sampu lahat ng bagay ay ginagalingan ko
Labing isa ako nung hirap na hirap tayo
Hanggang sa naglabing dalawa na ako

Pinagbintangan ka sa kasalanang di mo ginawa
Binantaan ka ng mga taong di mo man lang kilala
Wala kang kasalanan, bakit ayaw nilang maniwala?
Walang bahid ng dugo ang yung mga kamay pero kinulong ka nila

Hanggang sa napatunayang inosente ka at napalaya
Labing tatlo ay okay na sana pero niloko ka nya
Labing apat ay nagpapaka martir ka talaga
Labing lima, lumuluha ka na, paano mo po nakakaya?

Labing anim ako nung unang napalayo sa'yo
Labing pito sino nalang ang magtatanggol sa'yo?
Gayung nalaman kong patuloy ka palang niloloko.
Labing pito. Labing pito ako nung iniwan mo.

Labing pito. Dito na yata ako hihinto.
Pero hindi, itutuloy ko ang kuwento.
Bago ka lumisan ay hiningan mo ako ng pangako.
Pangakong "Magpapakatatag ako para sa pamilyang ito."

Ang hirap magpatuloy sa buhay ng walang ama
Haligi ng tahanan ay tuluyang bumitaw na.
Saan na ako makikisilong gayong wala ka na?
Ina ay nag asawa ng iba, magkapatid ay kanya2

Labing walong kaarawan hindi ikaw unang sayaw ko
Mahirap man pero pag aaral ay pinagpatuloy ko
Pinanindigan ang pangakong lalaban hanggang dulo.
Labing-siyam ako nang tinapos ko ang kolehiyo.

Labing-siyam ay nagkaroon ng trabaho
Dalawampu ay naging regular ako dito
Sa pamilya'y nakakatulong na rin kahit papanu
Dalawampu't isa ako ngayon habang nag ku-kwento.

Ngayon ay batid ko nang ang buhay ay di laging masaya.
Sa dilim ko rin napatunayan na malinaw ang aking mata.
Lumisan ka man pero sa aking puso ay nanatili ka.
Patuloy mo 'kong tinuruan na maging malakas kahit mag-isa.

Gusto kong iparating sa mambabasa
Kung meron ka pang ama ay mahalin at alagaan mo sya
Maswerte ka at tahanan nyo'y may haligi pa.
Maraming salamat sa pagbabasa, sana'y may napulot ka.

-BloodyPen(YUW)

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon