PANIBAGONG TUGMA

66 14 2
                                    

Ito yung tulang pinanglaban ko sa isa sa mga Wricon na sinalihan ko tapos nagkamali pa ako kasi ang paksa pala dapat ay MALAYANG PAGPAPAHAYAG hahaha. Pero sana ay magustuhan n'yo ito. Manalo, matalo kyut pa rin ako hahaha (tapos na pasok ako sa round na'to)


Naaalala ko pa ang mga una kong tula, sa aninag ng lampara-
Lamparang aandap-andap na at ang panulat ko'y paubos na ang tinta-
Paubos na ang tinta pero emosyon ay sumisigaw pa ng mga letra-
Mga letrang lihim na sumisigaw na sana tayong dalawa ay magtugma na.

Ngayo'y panibagong tula na naman ang ikakasa, nagbabakasakaling tumugma sa inyong panlasa-
Panlasa na hindi ko alam kung ano, basta maghahain ako sa mesa-
Sa mesa kung saan maraming putahe ang nakahanda, may iba't ibang timpla-
Timplang pinag-iisipan mula paglunod ng letra hanggang sa paghain ng tugma.

Suriin mo ang bawat rekado at tikman ang bawat emosyong nakapaloob dito.
Dito lang ako maghihintay na basahin mo itong tulang sinulat para sayo-
Sayo ako nauubusan ng metaporang pampalasa, hinihigop ito ng mga ngiti mo.
Ngiti mong tila hipnotismo, bukas ay ikaw pa rin ang paksa ko.


Your_Unknown_Writer

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon