Alinlangan (Takot Sumugal)

124 32 2
                                    

Alinlangan... ito ang kadalasan kong nararamdaman.
Ito ay resulta ng aking napakaraming basihan.
Na hindi ko alam kung ano ang pinagmulan.
At kung hanggang kailan ako mag aalinlangan.

Alinlangan kung saan resulta ay madalas kabaliktaran.
Tulad ngayon, nag aalinlangan ako.
Kung mananatili nalang ba ako dito?
O kung gusto ko ba talagang pumasok sa mundo mo?

Maraming basehan kasi ang meron ako.
Na alam kong maaring di mo maintindihan.
At maiintindihan kita kung di mo maintindihan ito.
Dahil baka kasi kinain na naman ako ng alinlangan.

Alinlangang pumasok sa mundo mo dahil nasisikipan ako.
Nasisikipan ako dahil marami na ang nasa loob nito.
Mananatili nalang ako sa labas at di na makisusyo.
Dahil sanay naman kasi ako na nasa labas lang ng mundo mo.

Alinlangang baka ma Out of Place lang ako.
O di kaya ay ma suffocate ako sa dami ng tao.
Pasensya na, ayokong ipagsiksikan ang sarili ko.
Alam ko naman naroon na sila sa mundo mo bago pa ako.

Baka nga makalimutan mong pinapasok mo ko sa mundo mo.
Kaya mas nanaisin ko nalang manatili sa mundo ko.
Sa mundo ko kung saan nag iisa at masaya ako.
Pero teka tuluyan kana yatang pumasok sa mundo ko.

Ngayon ay nag aalinlangan ako tungkol dito.
Hahayaan ba kitang manatili sa tahimik kong mundo?
O kumbinsihing lumabas na muna dito.
Minsan ay 'di ko na rin maiintindihan mga Alinlangan ng puso ko.

Pero may mga bagay din naman akong sigurado at totoo.
Sigurado ako na totoong napapatawa mo ako.
Sigurado ako na totoong nagpapasalamat ako sa pag iintindi mo.
Sigurado ako na totoong naging bahagi ka ng paglalayag ko.

Ngunit sa kabila ng mga kasiguradohan ko ay nanaig pa rin mga alinlangan ko.
Pagdadalawang isip dahil sa mga pagdududa na baka ayaw mo kong papasukin sa mundo mo.
O kaya ay gusto mo pero 'di ko makakayang manatili sa loob nito.
Pagdududa na baka masaktan lang ako sa mundo mo at piliting palabasin dito kapag sugatan na ang puso.

Kaya lagi kong pinipili ang hindi.
Ang hindi pagsugal ang pinipili ko lagi.
Oo pinag iisipan ko yan ng maigi at paulit ulit
Di bali na 'di maging masaya huwag lang umani ng sakit.

Sa ngayon ay hayaan na muna natin.
Ang plano ng Panginoon ay hintayin natin.
Let's just wait His plan to happen.
At kung ano man yun ay maluwag nating tanggapin.

Si Lord na muna ang bahala.
Sundin natin ang kanyang mga salita.
At kalimutan na muna ang isa't isa.
Sapagkat ang plano ni Lord ay napakaganda.

-BloodyPen(YUW)

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon