GINISING MO AKO KAHIT HINDI AKO TULOG

90 34 3
                                    

Gumising ako isang umaga na sobrang mahal ko siya.
Yung tipong handa akong magpakabait para sa kanya.
Ayokong masira pangalan nya kaya ako'y nagpapakumbaba.
Sapagkat I am created on his Image ayon sa bibliya.

Gumising ako isang umaga na pagod na.
Pagod na ako na laging nagpapakumbaba.
Napagod ako na ipakita ang katangian niya.
Kaya ang apoy ko ay dahan dahang humina.

Gumising ako isang umaga na apoy koy aandap andap na.
Sa sunday celebration ay nag aabsent na.
Ang cellgroup ay kinalimutan na.
Sa groupchat d na nagparamdam pa.

Iyong tila ba tupang naliligaw sa gitna ng mundo.
Iyong tupang akala nya ay kaya nya mag-isa.
Kaso dahan dahang vision nya ay lumalabo.
Na parang anytime apoy nya ay mamamatay na.

Kaya gumising ako. Gumising ako sa katangahan ko.
Niloko ako ng mundo, ang totoo ay d ko talaga kaya.
Di ko kaya na wala sya, I Am Nothing kung wala si Kristo.
Ng marealize ko ay inakay nya ulit ako sa landas na wasto.

Nang magising ako ay bumangon ako.
Niligpit ang kalat ko at nagsimula ng bagong umaga.
Bagong umaga na suguradong kasama Siya.
Maaraw mn o Maulan ay di ako nababahala.

Sa aking muling paggising ay mas eenjoy ko.
Ang buhay na binigay nya ay mas gagamitin ko.
Magce cellgroup ng di napipilitan.
At mag she share ng Gospel kahit d utusan.

Sa pagbangon kong ito ay na realize ko.
Ang dami ng oppurtunity ang pinalagpas ko.
Binulag ako ng sariling mga mata ko.
Kaya mga araw na darating ay ayaw ko nang sayangin.

Kaya ngayon ay lalakad ulit ako.
Lalakad ulit ako sa landas na hinanda mo.
Lalakad ulit ako na kasama Mo Ama.
Lalakad ulit ako dahil akoy tinulungan mong tumayo.

-BloodyPen(YUW)

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon