Tayo? Hindi, Ako.

93 33 1
                                    

Naiintindihan ko na.
Di natin to kwento eh,
Ito'y kwento nyung dalawa. 😥

~
Hindi porket kasali ka sa storya ikaw na ang bida.
Hindi porket nauna ka ikaw ang pipiliin nya.
Hindi porket lagi ka nyang kasama mahalaga ka.
Hindi porket napapangiti mo sya masaya sya.

Hindi porket nagbago ka para sa kanya mananatili sya.
Hindi porket mahal mo sya ay mahal ka rin nya.
Magpakatatag ka, walang sigurado dito sa mundo.
May mga tao talagang nang iiwan kaya matuto kang magsara ng pinto.

Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao
Iiwan ka pa rin nito
Lalo na kung hindi ikaw ang tao
Na pinatira n'ya sa kanyang puso.

Kapagka iniwan ka na ng mga taong dapat na nagmamahal sayo,
Huwag na huwag mong iwan ang sarili mo...
Sa halip ay mahalin mo ito.
Huwag mong hayaan na malagay sa isip mo na hindi ka kamahal-mahal.

Madalas iba ang ipaparamdam sayo ng mundo.
Ang gawin mo ay mahalin ang sarili mo.
Iparamdam mo sa sarili mo na kamahal-mahal ka.
Kung ayaw nilang mahalin ka, hayaan mo sila.

Kahit kompleto mo pang ibigay ang pagmamahal mo,
Kulang pa rin ito kung hindi ka mahal na totoo;
Kahit magkasama kayo sa bawat oras at minuto,
Maging ala-ala lang yan kung 'di ka nya totoong pinapasok sa kanyang puso.

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka pa lalaban?,
Gayung alam mo namang sa simula palang ay isa ka ng talunan.
Minsan kasi ay tinitiis natin ang kirot na nararamdaman.
Bakasakaling ang pagmamahal na puhunan ay masuklian.

Kahit na alam na natin na sa umpisa palang ay luging lugi na tayo.
Totoo nga na ang pagsisisi ay laging nasa huli at ang pagbabago ay laging nasa simula.
Hindi pa huli para sa panibagong kabanata,
Puhunan ay sa sarili ilaan.

Tandaan na "It's not too late to love ourselves. kaya pagkakataong ito... sarili ko muna.

-BloodyPen(YUW)

Mga Nahabing TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon