Chapter One

3.8K 86 0
                                    

"YOU may now kiss your bride.."

Napagbuntong-hininga na lamang ang dalaga ng marinig ang katagang iyon. Ilang beses na ata sa isang taon niyang naririnig salitang yon, marami sa mga kakila niya ang kinasal sa taong ito at lahat iyon ay dinaluhan niya. Kung tutuusin hindi siya mahilig dumalo sa mga pagdiriwang na ganito.

Hindi dahil sa naiingit siya ha, kasi naman. Sa edad niyang twenty-six, never been kiss at never been hug pa siya. Yung nanligaw naman sakanya, hindi pa man sila ay nahuli nya na agad sa aktong niloloko siya. Ang katwiran nito, matagal daw kasi siyang sumagot ng 'oo' gayung dalawang linggo pa lang ito nanliligaw. Kung mapanakit lang siyang tao siguradong nasa kulungan na siya ngayon.


"Oy babaita, baka may balak kang tumakas ha? Isusumbong kita sa kapatid mo." Siko sakanya ni Teresa. Binalingan niya ang kaibigan at inirapan.


"Tingin mo naman sakin, saka ayokong magtampo ang kumag na iyan." Nguso niya sa kapatid na lalaking hinaharot-harot ang bride niya. Panay naman ang tili ng nasa paligid. Napangiwi siya.


"Alam mo ha, ikaw. Mas matanda ka sa kapatid mo pero mas nauna pa siyang nag-asawa kaysa sayo. Look at you, ilang taon na lang malapit-lapit ng kumunat 'yang balat mo. Baka naman matanda kana doon kapa maghanap ng boyfriend mo. Eww 'yon ha." Natatawang sabi ng katabi niya. Inirapan niya si Teresa.

"Alam mo napaka-intrimitida mo. Ganitong nase-stress ako kung saan na ako pupunta nito kapag may problema ako gagatungan mo pa..." Bulong niya saka huminga ng malalim. "....lahat ng nasa paligid ko may sarili ng mga pamilya."


Bata pa lang ng maghiwalay ang mga magulang nila. Ang mommy niya ay umuwi na sa States kasama ang asawang businessman. Ang kanyang daddy naman binanggit sakanya kaninang umaga na uuwi na daw ito sa Davao kasama ng pamilya nito. Itong kapatid niya, may sarili ng bahay na kinuha sa Cavite. At mag-isa siyang maiiwan sa bahay na binigay sakanya.

"Bakit? Nandito pa naman ako 'diba? Kahit may asawa na ako, pwede kapa namang pumunta sa bahay ko para makipagchikahan."

Napanguso siya. "Ikaw? Eh dinadagdagan mo lang naman problema ko sa away niyo ng asawa mo."


Napahagikgik naman ito. "Anyway, kung ganon baka magustuhan mong magbakasyon? Ang tagal mo ng hindi kumukuha ng vacation leave kay sir ha."

"Saan naman ako pupunta eh ayoko namang mag-isa magtravel. Mahirap na ano."

"Beshy, mas nahahanap daw ang destiny ng isang tao kapag nag-iisa. Baka hindi dito sa Maynila ang kapalaran mo. Malay mo nasa ibang lugar."

Umirap lang siya. "Ang dami mo talagang nalalaman."


"Uy! Maggie,Teresa!"

Bumaling naman sila sa tumatawag sakanila. Nakita nilang nakatayo sa harap ng altar ang lahat."


"Picture na daw, tumayo na kayong dalawa!" Sabi ng isang kaibigan nila.


"Ay oo nga pala, ang daldal kasi ni Maggie eh." Sisi ni Teresa saka tumayo. Napapailing na tumayo na lang siya at sumunod dito.


"Ate Maggie, ikaw po ang sumalo ng flower mamaya ha?" Nakangiting sabi ni Martha habang papalapit sila. Natawa siya ng mahina.

"Sorry hindi ko keri, marami pa namang dalaga dito ano kaba." Sambit niya.

"Ate, ikaw na lang ang dalaga dito. Lahat ng mga nandito hindi na single." Sabat ng kapatid. Natigilan siya, siya na lang ba ang nag-iisang single sa mundo?! Narinig niyang humagikgik si Teresa. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Okay, smile na po!"

Humarap naman sila sa camera.

'Eh ano naman ngayon? Sigurado ako na hindi lang naman ako ang babaeng matandang dalaga kung magkataon hindi ba?'

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now