Chapter two

2.6K 70 1
                                    


"Mabuti naman at napag-isipan mo ang sinabi ko na kumuha ka ng vacation leave. Aba deserve mo naman ang magbakasyon ha."

Napabuga na lang hininga si Maggie sa sinabi ni Teresa. Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho niya bilang fashion designer sa Ruby Esmeralda Coorp. ay ngayon lang niya naisipang magleave. Buong panahon kasi niya ay ginugol niya sa trabaho. Kapag umuwi naman siya ngayon sakanila ay siguradong mabuburyo siya.

Siya kasi ang tipo ng taong hindi sanay mag-isa.

"Sigurado kaba na magugustuhan ko don?" Paniniyak niya sa kaibigan.

"Oo naman! Alam mo bang napaka sariwa ng hangin doon, malinis ang paligid. Pagsapit ng dapit-hapon bisitahin mo 'yung fish fond, pwede ka pang magtayo ng tent doon kung gusto mo. Ligtas ka sa lugar na 'yon, alam mo ba napaka heartwarming din kapag tumataggap sila ng mga bisita." Sabi pa nito na tila inaalala ang dating pagtira.

"Maganda kung ganon. Hindi na ako mahihiya pumunta sa lugar na hindi ko alam."

"Sorry bes kung hindi ako makakasama ha? Alam mo naman may responsibilidad ako dito."

Nagkibit-balikat lang siya. "Alam ko naman 'yon bakla, your family needs you. Saka isa pa isasama ba kita sa lagay mong 'yan?'

Two months ng buntis ang kaibigan, madadagdagan na ang pamilya nito samantalang siya ay edad lang ang dumadagdag. Hindi naman siya nape-pressure eh, iniisip lang kasi niya kung ganitong ayaw niyang mag-isa sa buhay mas mabuting mag-asawa na lang siya.

"Sigurado ako bes, sa oras na magustuhan mo doon baka maisipan mo pang kumuha ng bahay." Hagikgik ng kaibigan.

"Malabo, alam mo namang dito ang buhay ko 'diba?"

"Pwede pa kayang magbago ang isip mo once na nandoon kana." Nakanguso pang sabi nito. Tumawa siya ng mahina.

"I'm city girl bes." Nakangiting sabi niya. "....hindi ako sanay sa buhay bukid.''

"Okay sabi mo eh." Kibit-balikat nito. Nang maligpit niya lahat ng gamit sa box ay binalingan na niya ang kaibigan. Napatingin siya sa umbok nitong tiyan.

"Kung ako sayo magli-leave na din ako."

"Ano kaba kaya ko pa naman. Napag-usapan naman namin ng asawa ko na baka magwork home na ako."

Napangiti siya dito.

"Mas maganda pa, hindi katulad dito puro sermon ng dragon maririnig mo." Aniya sa humagikgik na ang tinutukoy ay ang manager nila. Siniko siya nito.

"Marinig ka niyan awayin ka na naman diyan."

Kumindat lang siya dito. "Aalis na ako. Bye beshy."

"Mag-iingat ka ha, 'yung address na binigay ko sayo baka mawala!" Pahabol nito. Tinaas lang niya ang kamay at kinaway. Nagmamadaling pumasok siya sa elevator. Pagdating niya sa 9th floor ay may pumasok na lalaking matangkad. Napaurong siya sa sulok, naulingan niyang may kausap ito sa cellphone.

"Napakatigas talaga ng ulo niya. Kung ayaw pa din niyang umuwi, huwag niyo ng pilitin. Balang-araw babalik din siya sa atin. Take care of mom, sigurado akong na-stress na naman siya sa anak niyang 'yan."

Tumingin siya sa gilid para hindi nito mapansing nakikinig siya. Natigilan siya ng makitang pinindot nito ang itaas ng button.

'VIP floor 'yon ha...'

Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Maputi ito, mamula-mula ang balat at kahit nakatagilid ito sa gawi niya ay alam niyang gwapo ito.

'Kaibigan yata 'to ni sir Justin...'

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now