The Ending

3.4K 110 7
                                    

"LEVI love!"


Natatawang sinundan lang ng tingin ni Maggie si Cheska habang tumatakbo papalapit kay Levi na kausap ang mga bisita. Hinawakan niya ang singsing at hinaplos 'yon pagkatapos ay tumingin siya sa paligid. The wedding is simple, kompleto ang mga ka-baryo nandito din ang mga magulang niya at ang kapatid niya kasama ang asawa nito. Pati na din ang mommy ni Levi at si Timothy. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong malalapit sayo.


"Oh? Bakit nandito ka iha?"


Binalingan niya ang may-ari ng boses na 'yon, mabilis siyang lumapit sa tabi ni Mrs. Mildred.

"Kagagaling ko lang ho sa kabilang table. May kausap pa ho si Levi."


"Ganon ba.." Aniya saka tumingin sa direksyon ng asawa niya.


"Kagaya talaga siya ng esposo ko. Noon pa lang ay nakikitaan ko na siya na isa siyang matibay na bata." Nakangiting sabi niya. Tinignan ko naman si Levi. Nakita kong tumitingin-tingin siya sa paligid.

"Don't leave my son Maggie.."

Niyuko niya si Mrs. Mildred.


"Wala kaming idinulot na maganda sakanila noon pa. Kami na magulang na sana ay kasama at gmumagabay sakanila ay wala sa tabi nila. Hindi tuloy namin alam na may nangyayari na pala sakanilang hindi maganda.." Sabi nito, nakita niya ang pagngilid ng luha sa mata nito.


"....kaya natanim sa isip nila na sumpa ang emperyo sa pamilya namin. Doon ko napansin na isa-isa na silang naglalaho. Hindi namin sila mapigilan."

Hinawakan niya ito sa balikat.


''Mrs. Mildred, babalik din ho sila balang-araw. Kahit anong mangyari kayo pa din ang ina nila."


Ngumiti ito at binalingan siya.


''Nabuhayan ako ng pag-asa sa pagbabalik ni Levi. At alam ko darating na din sila." Anito saka may kinuha sa pouch na bulsa. Inabot nito 'yon sakanya. Isa iyong larawan.


"Ang dami nila hindi ba?" Natutuwang sabi pa nito. Napangiti siya nang makita na nakasuot ang mga bata sa larawan ng pantulog. Nasa likuran nila ang mga magulang.


"Ayan si Timothy, ito naman si Valerno at George. Sila ang matatanda.'' Sabi pa ng ginang, napahinto siya ng makita ang pamilyar na mukha na iyon sa sulok habang nakahawak sa kamay ng ina.


"At 'yan si Levi na katabi ko, maki-mama siya noon kapag umuuwi ako hindi na humihiwalay. Siya ang sumunod kay George."

Napangiti siya.


"At ang kambal kong anak...si Anthony at Rustle. Magkaiba ang ugali ng dalawang 'yan, si Anthony madaldal na bata, bibo. Pero si Rustle palagi 'yang nasa sulok at tahimik lang. At ito naman? Si Norton sakanilang magkakapatid siya ang pinakamakulit, kaya minsan palagi siyang napapahamak. Saka si Michael, kahit supladong ang dating niya malambing 'yan sa malalapit sakanya." Kwento ng ginang.


"Ang pangalawang pinakabata sakanila si Gabriel, naaalala ko pa noon na siya ang nagbabati sa mga matatanda niyang kapatid kapag nag-aaway. At ito naman si Kaizer, ang bunso namin. Sakanilang lahat siya ang mas labi na naapektuhan. Noong isa-isang umalis ang mga kapatid niya ay naisipan naming ipaalaga muna siya sa abuela niya. Habang kami ng asawa ko inaayos ang gulo sa pagitan ng mga anak namin. Pero....hindi na talaga namin sila naibalik sa amin."


Pinisil niya ang kamay ng ginang. Pinunasan nito ang pisngi at tumawa ng mahina.


''Ano ba 'to, this is your wedding day dapat wala kang nakikita na umiiyak.'' Nakatawang sabi nito.


''Mrs. Mildred they will be back. Huwag ho kayong mag-aalala balang-araw makukumpleto uli ang pamilya niyo. Magkakaayos din sila."


Ngumiti ito. "Just call me mom Maggie."


"Tsk tsk...nandito lang pala kayo."

Sabay silang bumaling sa nagsalita. Nakita niya si Levi na nakapamulsa habang nakatingin sakanila.


"May pinakita lang ako sa asawa mo.."

Tumaas ang sulok ng labi ni Levi at lumapit sakanila. Damn, she's very lucky to have him.


"Sige na doon na kayong dalawa. Pupuntahan ko lang sakabilang mesa sila manang mo."


Pumwesto naman sa likod ng wheelchair si Levi.


"Ihahatid ka namin mom."


"Huwag na ano kabang bata ka."


Ngumiti lang si Levi at hinawakan ang kamay niya saka iyon pinatong sa isang hawakan ng wheelchair. Kumindat ito sakanya, nakangiting tumango naman siya sa asawa.


"Doon din naman punta namin ma'." Sabi niya dito. Napailang na lang ang matanda at natawa sakanila. Pinisil pa ni Levi ang kamay niya na nakahawak sa wheelchair, binigyan naman niya ng halik ang pisngi nito.....

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now