Chapter thirteen

1.8K 69 1
                                    

"LEVI look oh!"


Parang batang yumuko pa si Maggie at kinuha ang suso na 'yon. Nanlaki pa ang mata niya ng may dumungaw ang dalawang ulo.


"Kambal 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya, naramdaman naman niyang tumabi ang binata sakanya.


"Hindi...magkadikit lang 'yan sila.'' Sambit nito at kinuha 'yon mula sa kamay niya, pinaghiwalay pa nito iyon.

"Wow.." Natutuwang nilagay niya 'yon sa dala nilang stainless tray. Kinwento kasi niya kay Levi ang binanggit sakanya ni Teresa tungkol sa fish fond. Mabilis naman siyang inaya ng binata.

"Wala bang magagalit kapag kumuha tayo dito?" Baling niya dito, tumaas lang ang sulok ng labi nito at umiling. Nilusong nito ang kamay sa tubig.


"Wala, pwede kang kumuha ng marami." Sabi nito. Parang bata naman siyang tumapak sa tubig at kumuha ng mga suso na 'yon.


"Anong luto gagawin mo dito?"


"Sa tuwing may fiesta dito,  isa ang ginataang suso agad ang hinahanap ng mga tao. Hindi kapa ba kumakain non?"


Umiling siya habang kumukuha. "Hindi pa eh, I want to try it."


"Gusto mo na ba ang buhay dito?"

Natigilan siya sa tanong na 'yon. Tumingin siya sa tubig, bigla ay naalala niya ang pag-uusap nila ni Teresa at ang nangyari sakanila ni Levi.


"Ayos lang naman, madali lang naman akong naka-adapt eh." Aniya at tahimik na nagpatuloy sa ginagawa.


"Ibig mong sabihin pwede kang mamuhay dito?"

Palihim na kumibot ang labi niya habang pabagal ng pabagal ang pagkuha niya ng mga suso. Ano ba ang dapat niyang isagot? Wala naman siyang inaasahan sa Maynila maliban sakanyang kaibigang si Teresa hindi ba? Wala ang mga pamilya niya pati ang kapatid niya. Sa oras na umuwi siya, tanging ang trabaho at ang bahay lang naman ang pupuntahan niya. Pero.....kaya nga ba talaga niyang tumira dito?

"Pwede naman.." Mahinang sagot niya kay Levi. Hindi niya alam kung saang bagay siya hindi sigurado.


"Hindi 'yan ang gusto kong sagot Maggie. Do you want to live with me?"


Bigla siyang napabaling dito, nakita niya ang kaseryosohan sa mukha nito.


"Stop looking at me like that Maggie...." He warn. "...baka magulat ka sa susunod na gagawin ko. I'll make love with you right here, right now."

Pakurap na nagbawi lang siya ng tingin dito.


"Ahm..nagulat lang ako sa sinabi mo." Pagbawi niya. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito.


"Anong nakakagulat doon? Hindi mo ba gustong mabuhay dito kasama ako?"


Ilang sandali niya itong tinitigan saka unti-unting ngumiti dito.


"Alam mo ba mister masyado ka ng maraming tinatanong sakin." Nakangiting sabi niya at lumapit dito. Kinintilan niya ng halik ang labi nito, nabasa niya ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa ginawa niya.


"Kung saan lugar ka komportable, mananatili ako sa tabi mo Levi..." Sambit pa niya saka bumalik sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagpulupot ng mga brasong 'yon mula sa likod niya. Hinawakan niya ang braso nito.


"Baka may makakita satin dito.." Tingala niya dito.


"Wala akong pakialam." Sambit nito at hinalikan ang balikat niya sunod ay ang gilid ng leeg niya. Napangiti lang siya dito, she made a right decision. Nararamdaman niya ang kasiyahan ng sabihin niya kay Levi ang bagay na 'yon. Kahit pa walang kasiguruhan ang estado nilang dalawa, kahit pa nagsusumiksik sa isip niya ang sinabi ni Teresa.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon