Chapter eighteen

1.7K 56 1
                                    

NAKANGIWING binuhat ni Maggie ang ibang kahoy sa gilid ng kalan pagkuway tinitigan 'yon. Simula ng dumating siya dito ay hindi pa din siya natututong magbuhay ng apoy sa kahoy. Ayaw naman ni Levi na turuan siya dahil daw mausok 'yon at baka daw madumihan siya. Mamaya ay pupunta sila sa bayan para bumili ng kalan, nagulat na nga lang siya nang sabihan siya nito na bibili daw sila ng mga kakailanganin sa kusina pati na din ang kalan. Balak din nitong ayusin ang kusina nito at magpapa-extend pa ng sala sa ibaba para mas malaki na ang tulugan nila sa itaas.


Lagpas na sa araw ang vacation leave niya. Siguradong ngayon ay tinatawagan na siya ni Teresa. Ayos lang naman sakanya na lumagpas siya dahil magre-resign na din naman na siya.

"Maggie..."

Natigilan siya ng marinig ang boses na 'yon. Pinagpagan niya muna ang kamay saka bumaling sa likuran.


"Ano 'yon?" Malamig na tanong niya ng makita si Cath. Nakasuot ito ng dress na spaghetti strap. Nakalagay pa ang dalawang palad nito sa likod nito at sinilip ang bahay.


"Wala dito si Levi, may pinuntahan siyang kaibigan." Sabi pa niya, binalingan naman siya nito.

"Ikaw talaga ang sadya ko dito." Nakangising sabi nito at huminga ng malalim.


''Anong masasabi mo sa business pruposal na sinabi nila mom at dad kay Levi? Agree kaba?''


Natigilan siya, ng gabi kasing umuwi sila ay walang binanggit kahit ano sakanya si Levi tungkol sa pinag-usapan ng mga ito. Hindi naman nya kinulit ito.


''So hindi niya sinabi sayo?" Parang nagulat pa na sabi nito. Naghalukipkip siya.


''Ano bang kailangan mo?"


Tumawa ito ng mahina saka nagkibit-balikat.


"Nandito ako para sabihing bakit hindi kana lang umuwi sainyo? Tutal naman wala ka ng kwenta dito. Wala ka namang magagawa para tulungan si Levi sa problema niya." Anito saka lumapit sakanya.


"Maggie, alam ko naman na hindi ka pumunta dito para lang kay Levi hindi ba? Alam ko na kilala mo siya at may motibo ka." Pabulong pa na sabi nito, nalito naman sya sa pinagsasabi nito.


''Naka-drugs kaba?" Tanong niya dito, natigilan ito sa sinabi niya.


''Stupid..." At tinikwasan siya ng kilay. "....huwag na tayong maglokohan dito. Kung inaakala mo na magagawa mo ang gusto mo nagkakamali ka. Gusto nila dad na pakasalan ako ni Levi para maisalba ang lupang 'to. Hindi mo ba alam na pagmamay-ari ng lupang 'to si Alice? Ang nanay-nanayan niya, kaya sigurado ako na hindi papayag si Levi na kunin 'to ng kahit na sino."


"Sakanila ang lupang 'to?"


"Kanino paba sa tingin mo? My God? Paano mo nagustuhan si Levi gayong wala ka pang alam sakanya? Are you nuts?'' Nakangising sabi nito. Hindi naman siya nakapagsalita.


"Wala pang isang taon kayong nagkakilala ni Levi at kung ano man ang nararamdaman niya sayo ay baliwala na lang sakanya ngayong dumating na ako dito. Sinabi niya sa akin noon kung gaano niya ako kamahal and he will do eveything para lang tanggapin siya ng mga magulang ko. Ikaw? Mahal kaba talaga ni Levi?"


Kahit anong sabi niyang mahal niya ang binata ay hindi naman niya narinig mula dito na mahal din siya nito. But is it important? Palagi namang pinaparamdam sakanya ni Levi mahal siya nito kahit hindi nito sinasabi. Sapat na sakanya 'yon.


"I love Levi..'' Nasabi niya dito.


''Pero hindi ka nga mahal..." Nakangising sabi nito saka tinaas ang mukha sakanya. "....panandalian ka lang sakanya Maggie. Kung minahal niya ako noon posibleng bumalik ang nararamdaman niya sakin. Nakikita ko 'yon sa kislap ng mata ni Levi sa tuwing kinakausap ko siya. Matagal ko na siyang nakasama, marami na kaming pinagsamahan. At ikaw... isa ka lang namang estranghero na pumunta dito."


Pakiramdam niya ay paulit-ulit na piniga ang dibdib niya. Wala pa nga talaga siyang alam dito, hindi niya maiwasang isipin na tama ang sinabi ng kaharap. Sino nga ba naman siya sa buhay ni Levi? Pampalipas oras?


"Alam ko na ilang araw ang ay tatanggapin ni Levi ang offer namin. Kakailanganin niya ako para matugunan ang pangangailangan ng lupa niya pati na din ang balak na kunin ito mula sakanya. So if I were you, babalik na ako kung saan ako galing." Sabi pa nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa.


"You are nothing compared to him Maggie..." Mataray na sabi nito saka pairap na tinalikuran siya. Nanghihinang sumandal siya sa kahoy na nasa likod...


----------*****


''HONEY, pakisuyo ng mga garapon sa itaas.."


Hindi naman gumalaw si Maggie mula sa pagkakaupo sa hagdan. Nanatiling nakatingin pa din siya sa binata. Tumingin naman sa direksyon niya si Levi.


''Bakit?" Takang tanong nito habang nakatingin sa mukha niya.


''Anong pinag-usapan niyo ng mga magulang ni Cath?" Tanong niya dito, nakita niyang natigilan ito.


"Oh....wala pa kaming pinag-uusapan.'' Anito saka iniwas ang tingin sakanya at pinagpatuloy ang ginagawa. May kumudlit na sakit sa dibdib niya, napisil niya ang dalawang tuhod.


"Ibigay mo sa akin ang mga papers mo, tatawagan ko ang lawyer ko para asikasuhin ang lupa." Malamig na sabi niya, muling tumingin sakanya ang binata.


''Anong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong nito. She took a deep breath.


''Bibilhin ko ang lupang 'to Levi.''


"Ano? Hindi mo kailangang gawin 'yo-----


''Bakit sa tingin mo wala akong kayang gawin para tulungan ka ha?" Mataray na sabi niya dito. Nilapag nito ang hawak na sandok at nilapitan siya.


"Of course not...pero ayokong maglalabas ka ng pera. Ayokong problemahin mo----


''Gusto ko Levi, gustong-gusto kitang tulungan para hindi mo na tanggapin ang offer ng mga magulang ng babaeng 'yon." Inis na sabi niya dito, hindi naman ito nakapagsalita. Lalong rumagasa ang galit sa dibdib niya.


"Akala mo ba hindi ko alam kung anong pruposal ang sinasabi nila? Alam ko kung gaano 'to ka-importante sayo kaya sigurado ako na tatanggapin mo ang offer nila sayo." Hindi niya mapigilang sabi dito. Unti-unting nanlamig ang tingin nito sakanya.


"Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin?'' Malamig na tanong nito.


''Hindi, pero natatakot lang ako na posibleng gawin mo ang bagay na 'yon. Importante sayo ang lugar na 'to kaya alam ko na gagawin mo ang lahat para lang hindi 'to makuha ng iba. Willing naman ako maglabas ng malaking halaga eh.''


"Hindi ko kailangan ng pera mo Maggie.." Matigas na sabi nito saka tumalikod. Nakuyom niya ang kamao.


"Bakit mo nga naman kakailanganin ang pera ko kung mas malaki nga naman ang makukuha mo kay Cath 'diba?" Sarkastikong sabi niya.



"Tama na!" Nagtaas ang boses na baling nito, kumabog ang dibdib niya ng makita ang galit sa mukha nito.


"Kung sinasabi mo 'yan dahil gusto mo ng umalis gawin mo na! Umalis kana kung gusto mo hindi kita pipigilan!" Galit na sabi nito, nag-init ang mga mata niya sa sinabi nito.


"You insulted me Maggie. Hindi ko akalaing maririnig ko pa 'yan mula sayo." May pait ang tinig na sabi nito, umiwas siya ng tingin dito pagkuway tumayo at pumasok sa loob. Patakbo siyang nagtungo sa kwarto at dumapa sa papag.


'Ano bang mga pinagsasabi ko? Nagalit lang naman ako ng sobra eh....'

Humihikbing sinubsob niya ang mukha sa unan....

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon