Chapter eleven

1.8K 68 1
                                    

SA bukid ang trabaho ni Levi, sa isang malaki at kilalang company naman ang pinagtatrabahuan niya. Kumpara sa binata ay mataas ang antas niya sa buhay. Ang buhay ng binata ay sa lugar na 'to, samantalang siya ay panandalian lang dito.

Pilit sinasaksak ni Maggie ang kaibahan nila ni Levi sa ibang bagay. Lahat ng posibleng rason para lumayo dito ay ginawa na niya pero hindi niya alam kung bakit nananatili pa din siyang nasa tabi nito. Gusto niya ang presensya nito, komportable siya tuwing kasama ito. Nasanay siya na araw-araw ay nakikita niya ang maamong mukha nito. Lahat ng ginawa nito sakanya ay tumatak lang sa isip niya.

"Kaya mo pa ba?"

Tiningala niya si Levi na nauna pang makaakyat sakanya sa malaking bato. Humawak siya sa kamay nito. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay inaya siya nito kinaumagahan na umakyat daw sila ng bundok. Hindi niya alam kung paano nito magagawang maging kaswal pagkatapos ng nangyari sakanila.

'Ano pa bang aasahan mo Maggie? Lalaki 'yan, madaling makalimot..'

Napaismid lang siya sa sinabi ng utak niya.

"Matagal paba tayo?" Bahagya ng hinihingal na tanong niya.

"Malapit na tayo huwag kang mag-alala.." Sambit nito na pinisil pa ang palad niya. HIndi na kasi siya nakapag-workout kaya siguro ay madali ng bumigay ang katawan niya sa pagod.

"Hey, pumasan ka sakin.'' Baling nito sakanya.


"Ha? Ayoko nga..." Tutol niya agad saka tumingin sa likuran kung saan nakakalula na ang ibaba. Tiningala niya muli si Levi.


"....baka mamaya sa paanan na lang bundok kunin ang katawan natin eh." Takot na sabi niya. Ngumisi lang ito at yumukod sakanya habang ang isang kamay nito ay nakakapit sa lubid.


"Hindi kita bibitawan." Sabi pa nito, napatingin lang siya sa likod nito.

"Duda ako sayo eh.." Aniya.

"Wala kabang tiwala sakin?"

Nakagat lang niya ang labi saka tumingin sa likod pagkatapos ay muling bumaling dito. Kahit may takot pa ay pumasan siya sa likuran nito at yumakap sa leeg nito.

"Ang gaan mo nga lang eh." Sabi pa nito na tumayo agad. Napakapit naman siya ng husto dito.


"Pasalamat ka gusto ko pa talagang mabuhay kapag nahulog ako sasapakin kita.." Bantang bulong niya dito. Malutong naman itong tumawa sa sinabi niya.


"Huwag kang mag-alala miss Maggie. Sabay tayong mahuhulog, hindi pwedeng ikaw lang...." Sabi pa nito at bahagyang binalingan siya. "....I will chase everywhere honey."


Inirapan lang niya ito saka tumahimik. Palagay niya ay mas napadali ang pag-akyat nila ni Levi sa itaas. Pagdating nila sa isang pantay na lupa ay hindi niya mapigilang mamangha sa nakita. Sulit ang pagod nila sa pag-akyat dahil talaga ngang napakaganda sa itaas. Nakita niya ang malawak na lupa sa harap, ang malawak na taniman ng palay at ang magandang kagubatan. May mga usok pang nagkakalat sa paligid.


"Ang ganda dito Levi..." Namananghang sabi niya sa binata.


"I'm glad to hear that.."

Nakangiting nilingon niya ito, nilapag na nito ang munting basket nila. Nilabas naman niya sa maliit na backpack ang mantel saka nilatag iyon sa lupa.


"Maya-maya ay uuwi na din tayo. Mahihirapan kasi tayong bumaba kapag gabi na." Sambit ni Levi, tumango naman siya saka umupo.


"Palagi kaba noon dito?" Tanong niya dito pagkaraan. Tumango naman ito habang nilalagay ang pagkain nila sa gitna.

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu