Chapter fourteen

1.8K 70 1
                                    


PAKIRAMDAM ni Maggie ay nakalutang siya sa ulap. Walang oras na hindi siya masaya sa tuwing kasama ang binata. Ito ang unang pagkakataon na maramdaman niyang kompleto siya. Wala ang mga bagay na nakasanayan niya, no laptops, no cellphone and internet. No city lights and club nights, lahat iyon ay wala sa paligid niya. It's just Levi...


"Oh Maggie, kumain kapa." Aya sakanya ni aling Issa. Ngumiti lang siya dito.


"Ayos lang po, madami na po akong kinuha."


Nanlaki na lang ang mata niya ng bigla siyang lagyan ng hita ng manok ni Levi. Pinandilatan niya ito.

"Ang dami ko ng nakain.." Sambit niya dito.


"Dagdagan mo pa, nakailang subo kapa nga lang busog kana agad.'' Nakangiting sabi nito. Inirapan niya ito, napansin niya ang nanunuksong tingin ng mga nasa paligid nila kaya muli na lang siyang kumain. Ilang araw na mula ng palagi niyang nakakasabay ang mga ito. Ngayon lang niya na-exprience na kumain sa dahon ng saging, ang alam kasi niya kapag may mga fiesta lang sa mga probinsya pwedeng gawain 'yon.

Nahahawa siya sa tawa ng mga matatanda. Lahat ng sasabihin nito may mga aral kahit sakanilang mga matatanda.

"Kaya nga itong si Daniel, talagang magdidiwang ako kapag nag-asawa ng babae. Magaganda kaya lahi ng mga 'to." Nakatawang sabi ni tandang Kaloy. Sumimangot naman si Cheska.



"Cheska po, saka tiyo naman alam mo namang lalaki ang hinahangad ko. At isa pa baka mamaya mas maganda pa ako sa babaeng tinutukoy niyo 'no?" Maarte pang sabi nito.


"Oo na mas maganda na.." Sang-ayon ni Aling Issa na sinubuan pa ito ng pagkain. Natawa lang sila habang nakatingin sa mga ito.


''Ano ka ba naman? Baka mamaya makahanap ka ng kagaya nito ni Maggie oh." Nguso pa sakanya ni Aling Nene. Tumuon pa ang atensyon sakanya ng lahat.


"Maganda na hindi pa maarte, hindi gaya ni Cath. Ni hindi mo nga mapapasalo 'yon dito eh, kailangan nakabukod pa pagkain niya satin. Hindi mo mapapalakad sa bukid 'yan dahil daw mainit. Hindi din siya lumalapit kay Levi kapag galing sa palayan." Ismid pa nito, natigilan naman siya at palihim na binalingan si Levi. Nakita niyang tumahimik ito.


"Aling nene hala ka uy!" Gulat na saway dito ni Aling Issa. Nagkibit-balikat lang ang matanda.

"Sa totoo lang iho Levi ha."


Wala sa loob na hinawakan niya ang kamay ni Levi mula sa ilalim ng mesa. Bumaling ito sakanya, ngumiti lang siya dito saka niya tinuon ang mata sa pagkain. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa palad niya.


"Kaya ineng ha? Saksi ako sa ugali niyan ni Levi parang kami na din ang tumatayong pamilya niya, hindi ka magsisisi sakanya. Hindi ka niya pababayaan, basta huwag mo lang siyang iiwan." Sabi pa ni Aling Nene. Namula naman ang magkabilang pisngi niya, alam naba nito ang tungkol sakanila? Sabagay....sa kilos pa lang kasi ni Levi sa harap ng mga ito halata agad sila eh.



"Huwag ho kayong mag-alala. Hindi ako aalis sa tabi ni Levi." Pangako niya sa mga ito. Hindi na siya bumaling sa binata dahil hindi niya kayang salubingin ang mata nito.


"Edi kayo na, pinapaubaya ko na siya." Irap ni Cheska. Ngumiti lang siya dito.


"Pinapaubaya hindi naman naging kayo ni Levi." Sabat uli ni aling Nene.


"Ito talaga si aling Nene! Kaya ka laman ng baranggay eh."


Tumawa naman ang nasa paligid niya. Sunod-sunod namang tinampal ang balikat ni Cheska ng matanda. Pinakiramdaman niya si Levi, hindi niya alam kung anong iniisip nito sa sinabi niya.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now