Chapter twenty-three

2K 63 1
                                    

KUMAKABOG ang dibdib na pinatay ni Maggie ang cellphone pagkuway naiilang na sinalubong ang tingin ng binata. Halata sa mukha nito ang pagod na parang ang layo ng narating nito.


"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko ayaw mong pumunta dito..." Pabulong na sabi niya. Saka naman sumungaw ang ulo ng asawa ni Teresa.


''Ah Maggie? Dito na ako ha? Kailangan ko kasing balikan agad si Teresa." Sambit pa nito, tumango siya. Tinapik muna nito ang balikat ni Levi saka tumalikod. Hindi pa din siya tumatayo mula sa pagkakaupo.


"Okay kana ba ngayon?" Nahimigan pa niya ang pag-aalala sa boses nito.


"What are you doing here?" Tanong niya na hindi sinagot ang tanong nito. Binagsak nito ang hawak na bag sa gilid.


''I'm here because of you..." Anito habang papalapit sakanya, napahigpit lang ang hawak niya sa upuan.


"...alam mo bang halos mabaliw ako kung saan ka pumunta? I thought you leave me." Mapait na sabi nito. She gulp.


"Nakatanggap kasi ako ng tawag kay Teresa tungkol sa nangyari sa kapatid ko. Sorry.."


Lumuhod naman ito sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya.


"It's okay honey, I understand nalaman ko naman ang dahilan ng pag-alis mo nang dumating ako dito.''


Hinila niya ang kamay mula dito saka nag-iwas ng tingin dito.


"Can you please leave me for while?" Mahinang sabi niya, nakita niya ang pagbubuhol ng kilay nito. Naglakbay ang nagtatakang tingin nito sa mukha niya.


"Why are you so cold?" Nagtatakang sabi nito at pilit sinasalubong ang mata niya. Tumingin siya sa malayo.


".....akala ko ba maayos na tayo bago ka umalis?" Sambit pa nito. Hindi siya umimik.


''Maggie harapin mo ako." Matigas na sambit nito. Hindi siya sumunod.


"Akala ko magiging masaya ka kapag nakita ako." Mapait na sabi nito, again no reactions.


"Ang sabi mo balak mong sumama sa mommy mo papuntang States, balak mo ba akong kalimutan?"


Palihim niyang kinagat ang ibabang labi. Ilang segundo itong hindi na nagsalita.



''That's why I don't want to say I love you too.... baka mawalan ka sakin ng gana kagaya nila.'' Usal pa nito, doon niya ito binalingan.


Nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito habang nakatingala sakanya.


"Nakausap ko na ang mga magulang at kapatid mo.." Anito na iniwas ang tingin sakanya pagkuway tumayo.


".....sinabi ko na may relasyon tayong dalawa.'' Sambit pa nito saka hinawakan siya sa braso.


"He-hey! What are you----


"Uuwi na tayo!" Matigas ang tinig na sabi nito at hinila.


"Wait----Levi! Aw! Get off me." Pilit niyang hinila ang braso mula sa pagkakahawak nito.


"Nasaan ang mga gamit mo?" Tanong pa nito na hindi binibitawan ang pagkakahawak sakanya.


"Hindi ako sasama sayo ano ba! Kailangan pa ako ng kapatid ko!"


''Kasama niya ang mommy mo at ang asawa niya!" Balik sigaw nito sakanya, nakita niyang madilim ang mukha nito habang namamasa ang mata.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now