Chapter five

2K 71 1
                                    

"Mabuti at pinatuloy ka ni Levi sa bahay niya."


Binalingan ni Maggie si aling Issa. Pinakilala siya kanina ni Levi, since nakita na sila ng mga taga-dito maganda daw na makilala na din siya ng mga ito. They are friendly at totoo nga ang sinabi ni Teresa na heartwarming tumanggap ang mga ito. Ang binata lang naman ang iba ang pakikitungo sakanya eh. It doesn't matter to her naman, dahil bumawi naman ito sakanya sa pagtira niya sa tahanan nito.


"Oho, no choice din naman ho ako kasi kailangan ko ng matutuluyan ngayon. Hindi naman daw kasi safe na tumuloy sa hotel doon sa bayan."


Tumango ang matanda. "Sabagay, saka mabait naman 'yan si Levi wala kang magiging problema sakanya."


Bahagya lang siyang ngumiti at hinanap ng tingin ang binata. Nakita niyang may kung anong binubungkal ito sa palayan. Nakababad pa ang paa nito sa putikan. Napilig  niya ang ulo, kahit na nakasuot ng green na long sleeve ang binata na nakarolyo hanggang siko nito ay napakalakas pa din ng dating nito. Hindi nga niya alam kung bakit niya pinagtutuunan ng pansin ito at pinupuri pa niya kahit puro pang-iinsulto ang naririnig niya mula dito.

May kung anong sumipa sa dibdib niya nang bumaling ito sa direksyon niya, napatingin siya sa malayo.

'Shemay Maggie!'

"Ah.... bakit ho pala walang kasama si Levi?" Mabilis niyang tanong sa katabi. Sandaling humigop ng kape si aling Issa.


"Meron siyang kasama noon, yung nanay niya si Alice. Dalawang taon ng patay.."

Hindi naman siya kumibo, baka kaya ganon ito ay dahil hindi din ito nasanay mag-isa kagaya niya?

"Wala ho ba siyang girlfriend? O asawa?"

Umiling ang katabi. "Wala... pero sa pagkakaalala ko, may inaabangan siyang babae na nasa Maynila eh."


Natigilan naman siya.


"Cath ata ang pangalan non, oo tama Cath nga. Iyon ang kasama niya lagi kapag nagtutungo sa gubat o 'dikaya sa bayan. Anak ng isa sa mga mayaman 'yan dito si Cath."

Napalabi lang siya. 'So may inaabangan naman pala siya....'

Napabuga siya ng hangin. Napansin niya ang pagtingin sakanya ni aling Issa.

"Oh, ahm nagtaka lang naman ho kasi kung bakit ayaw ni Levi sa mga taga-Maynila." Nakatawang sabi pa niya. siguro dahil ay narinig nito ang pagbuga niya ng hangin kanina. Ngumiti lang ito.


"Wala kang dapat alalahanin, matagal na silang hiwalay. Tingin ko nga ay ayaw ni Levi na sumama si Cath sa Maynila. Kaya lang ay hindi siya pwedeng tumutol dahil magulang na niya ang kalaban."


"Pwede pa naman ho sila kahit nasa Maynila na yung Cath 'diba? May cellphone naman para makapag-communicate sila."

Umiling ang matanda. "Malabo. Ito ang lugar ni Levi at hindi siya pupunta doon. Iyon ang sinabi niya sa amin nang sabihan namin siya na sundan si Cath doon."


Kumikibot ang labing nilagay niya ang dalawang palad sa magkabilang side ng kinauupuan. Nang tumingin siya sa direksyon ng binata. Nakita niyang umahon na ito sa ginagawa kasama ang ibang matanda.

"Pasensya na ha? Pero dalaga kapa ba iha?"

"Opo...lahat ng kasama ko sa Maynila mga pamilyado na." Sambit niya habang tinatanaw si Levi. Nakita niyang lumapit ito sa timba saka naghugas doon ng braso at kamay.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum