Chapter nineteen

1.8K 51 1
                                    

"MAGGIE.....maggie?"


Napapiksi si Maggie ng maramdaman ang mainit na bagay na 'yon sa braso niya, dahan-dahan naman siyang dumilat. Bumungad sakanya ang dingding at ang nakatuping kumot. Bumaling naman siya sa likuran, nakita niya si Levi na nakaupo sa gilid ng papag at hawak ang braso niya.


''Anong oras na kumain kana.." Masuyong sabi nito. Bigla niyang naalala ang pag-aaway nila kanina, walang imik na tumalikod lang siya dito at sumiksik sa sulok.


"Hindi pa ako gutom..'' Sambit pa niya habang nakatingin sa kawalan. Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin kasunod non ay ang presensya nito.


"Maggie.." Muling tawag nito at pilit na pinapaharap siya. Hindi naman siya nakatiis at hinarap na ito. Pumaibabaw ito sakanya.


"I'm sorry, I didn't mean it." Sambit pa nito habang hinahaplos ang buhok niya. Nagbaba siya ng tingin dito.


"Sorry din nadala lang kasi ako ng galit kanina." Bulong niya. Doon ay ngumiti ito at paulit-ulit na hinalikan ang sulok ng labi niya.


"Pinuntahan kaba ni Cath dito? Anong sinabi niya sayo?" Tanong pa nito habang naglalakabay ang labi sa pisngi niya.


"Sinabi niya sakin na sainyo pala ang lugar na 'to. Pati na din ang pruposal sayo."


''Hindi lang sa akin ito Maggie, para ito sa lahat ng tao dito. Iyon ang gusto namin ni Nanay Alice." Sabi pa nito at tinitigan siya.


"Hindi ko na sinabi sayo ang pinag-usapan namin nila madam dahil ayokong mabahala ka. Baka mamaya maisipan mo na namang maglabas ng pera para lang tulungan ako. Hindi nga ako nagkamali."


"Gusto ko lang namang tulungan ka eh." Aniya. Hinalikan nito ang labi niya, he bit her lower lips.


"Silly! Ang gusto ko lang naman ay nasa tabi kita. Ayoko na mag-isip ka ng problema, kaya pa naman eh. May paraan ako para hindi makuha 'to, hindi ko kailangan ang offer nila." Sambit pa nito, nawala naman ang agam-agam sa dibdib niya.


"Do you still love her?"


"Hindi na, bakit mo naman natanong 'yan?" Nakatawang sabi nito. Hindi na siya umimik.


"I love you Maggie..."


Natigalgal siya sa sinabi nito, hinalikan nito ang noo niya.


"Mahal na mahal kita Maggie." Bulong muli nito at gumapang ang halik sa labi niya.



''Ikaw lang ang gusto kong makasama ng matagal. Kaya nga ilang beses ko ng sinasabi sayo na manatili ka lang sa tabi ko hindi ba?" Wika nito, nag-iinit ang matang sinalubong niya ang mata nito.


"Sorry uli sa sinabi ko.."


Tumawa lang ito ng mahina. "Bukas nga pala ng umaga, may pupuntahan ako. Ligpitin mo na ang mga gamit natin, lilipat na tayo pagbalik ko."


Nagulat siya sa sinabi nito.

''Ano? Akala ko ba ayaw mong umalis di----


"Babalik din tayo dito, pansamantala muna tayong aalis dito. May mga inutusan na kasi akong mga tao na gawin ang bahay na 'to. I want to suprise you pero nag-away kasi tayo. Balak kong palakihin 'to at lagyan ng taas, ipapaayos ko din ang daan para hindi maging delikado sa mga magiging anak natin."


"A-anong sabi mo?" Awang ang labi na tanong niya, hindi niya inaasahan na maririnig 'yon mula dito. Hinaplos nito ang pisngi niya.



''Pakakasalan kita Maggie, gusto ko na maging maayos ang kalagayan mo dito. Ikaw lang...ikaw lang ang gusto kong kasama na bumuo ng pamilya.''


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now