Chapter sixteen

1.7K 57 0
                                    


"OH, muntik ko ng malimutan 'yung gift ko po sainyo aling Issa.."


''Hindi ka na dapat nag-abala pa iha." Pilit na sabi ni Aling Issa nang iabot ang isang gift bag. Nanatili namang nakatitig si Maggie sa babaeng kaharap, tingin nga niya ay may pasko dahil sa dami ng regalong dala nito sa mga taga-dito.


"Kailan ka pa umuwi?" Narinig niyang sabi ni Levi, isa pa sa kinasasama ng loob niya ay hindi man lang siya nilapitan nito kanina. Hindi kasi umalis sa pagkakayapos sa braso ni Levi ang babaeng 'yon.


"Three days ago, nagpatulong kasi ako hacienda para asikasuhin 'yung mga gift ko para sa mga taga-rito." Mabait ang bukas ng mukhang sabi nito at may inabot kay Levi na mahabang kahon. Natitigilang tumingin siya doon.


"Buksan mo na lang 'yan paguwi mo okay?" Sabi pa nito, ilang sandali iyong tinignan ni Levi pagkuway kinuha. Palihim lang siyang bumuga ng hangin.


"Cheska nagustuhan mo ba 'yung dress na binigay ko?" Tanong nito kay Cheska. Nagkibit-balikat lang ito.

"Maganda naman..." Sabi pa nito saka bumulong at humawak sa dibdib. ".....kailan ba kami naging close?" Referring to Cath.


Siniko ito ni aling Issa, sa wakas ay binalingan siya ni Levi pagkatapos ay lumapit sakanya.



"Oo nga pala Cath. Siya si Maggie, girlfri-----



"By the way, you are invited nga pala." Putol dito ni Cath na halatang sinadya naman talaga nito. Gustong tumaas ng kilay ni Maggie.


''.....gusto kasi nila mom at dad na imbitahan kayong lahat para sa golden anniversary nila. Actually lahat ng mga kalapit na baryo dito inimbitahan nila." Nakangiting sabi pa nito.


"Aba'y lahat ba kamo? Pati kami?" Gulat na sabi ni aling Issa.


"Akala ko ayaw ni madam na may mga taga-baryong tumatapak sa lupa niyo tuwing may celebration 'diba?" Sabat ni Chesk.


"Nagbabago ang tao Cheska, aside from that na-convince ko na sila dad at mom na mabubuti kayo dito. Na wala silang dapat ikabahala kapag nandito ako." Mabait na sambit nito. Hinawakan ni Maggi sa braso ang katabi pagkatapos ay tumingala dito, niyuko naman siya nito at sinalubong ang mata niya. Nagbababala ang tingin niya dito.



"Pasensya na Cath pero....hindi kami makakadalo ng girlfriend ko." Baling dito ni Levi, doon siya tinapunan ng tingin ng babaeng 'yon. May kung anong kislap siyang nakita sa tingin nito. Muli nitong binalingan si Levi.



"But my parents want to meet you. Hindi naman about sa atin ang pag-uusapan niyo eh..." Sabi nito at ngumisi. ".....alam ko na maraming paraan si Timothy Esmeralda para makuha ang lupa niyo and you have no power to save this land Levi. Hindi ba ay nag-usap kayo at binigyan na niya kayo ng palugit na anim na buwan?"


Natigilan naman siya sa sinabi nito at gulat na binalingan si Levi. Iyon ba ang usapan nila ng lalaking 'yon?


"Ha? Anim na buwan?" Gulat na sabi nila aling Issa.


"Isa sa mga share stock holder si dad sa kumpanya ng mga Esmeralda Levi. At narinig ko mula sakanya ang tungkol sa naging usapan niyo ni Timothy. Kapag dumating na ang palugit mo, kailangan ng linisin ang lugar na 'to. May plano silang malaking proyekto para dito." Nakangiting sabi pa nito.


"Ah...ay naku! Kumain na pala tayo! Luto na 'yung nasa kusina. Sandali kukunin ko, Cheska pakiasikaso ng lamesa." Basag ni Tandang Kaloy saka tumalikod. Isa-isa namang tumalikod ang mga nasa paligid at lumapit sa mesa.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now