Chapter ten

1.8K 76 1
                                    

"SABI niya saglit lang siya ha.."


Kumakabog ang dibdib na umupo si Maggie sa papag. Kaninang bandang alas-tres kasi ay umalis si Levi para puntahan ang bukid. Hindi na siya sinama nito dahil madilim na ang langit at mukhang babagsak na ang malakas na ulan. Kumain na siya lahat lahat ay hindi pa din dumarating ang binata. Lalo pa ngayon na malakas ang ulan sa labas ay mas lalo siyang kinakabahan na baka kung ano ng nangyari dito.


'Ano ba naman Maggie isip mo..'

Huminga siya ng malalim para mawala ang nararamdaman saka siya lumabas sa kwarto. Napatitig siya sa kawayang sofa na hinihigaan ng binata, nakatupi pa sa dulo non ang unan at kumot nito. Malinis din ang mesa, napahaplos siya sa braso habang nakatingin sa pinto.


Kanina ay nakapasok ang text ni Teresa sakanya. Nag-aalala na daw ang mga ito sakanya dahil hindi siya matawagan simula ng umalis siya doon. Tumawag din ang mommy niya dahil hindi daw siya ma-contact ng mga ito. Nagpadala na lang siya ng message na nasa maayos siyang kalagayan kaya wala dapat ipagalala ang mga ito.


Hindi mapakaling tumayo siya at lumapit sa pinto saka binuksan 'yon. Napangiwi pa siya ng bumungad sakanya ang malakas na hangin at tubig ulan.


"Levi..." Bulong niya sa pangalan ng binata saka umupo sa pinto habang inaabangan ito. Hinaplos niya ang tuhod, hindi niya ininda ang tubig na tumatama sakanya. Naramdaman niya pa ang panginginig ng tuhod, ilang minuto pa ang lumipas ay may natanaw na siyang papalapit na bulto.


"What the---anong ginagawa mo diyan?!" Malakas na tanong nito, lalo kasing lumalakas ang ulan.


"Inaabangan kita eh.." Sabi niya saka tumayo mula sa kinauupuan, nauna siyang pumasok sa loob habang hinihintay ang binata. Nakita niyang nakasuot ito ng itim na kapote at bota.


"Hinintay kita kasi ang tagal mo.." Sabi niya dito saka tumingin sa paanan nito. Basa na ang sahig dahil sa pumasok na ulan. Nakagat niya ang ibabang labi.

"Sorry, pupunasan ko na lang 'yan." Aniya dito.


"No, just stay there...'' Salubong pa ang kilay na sabi nito pagkuway bumaba ang mata sa suot niya. Ramdam niya ang lamig sa balat dahil manipis lang ang suot niyang t-shirt.


"....tsk! Tignan mo basa kana. Magpalit ka sa loob, maliligo lang ako." Inis na sabi nito. Tumalikod naman siya at sandaling nilingon ito. Naghuhubad na ito ng kapote.


"Sabi mo saglit ka lang kanina? Ilang oras kana sa labas ha?" Hindi niya mapigilang sabihin dito. Tumingin naman ito sakanya.


"Tinangay ng malakas na hangin ang bangka nila aling Issa. Hindi ko pwedeng ipaubaya iyon sa matanda."

Nanlaki ang mata niya. "Lumusong ka sa dagat? Are you out of your mind? Pwede mo namang kunin iyon kapag tumila ang bagyo ha? Paano kung anong mangyari sayo doon?'' Sunod-sunod na sabi niya. He gritted his teeth, tanda na mas lalo lang itong nainis sakanya.


"Kapag hindi ako ang kumilos sigurado akong magpupumilit ang matanda na kunin 'yon sa dagat... so please? Go back to your room. Sinabi ko na huwag kang lalabas dahil malakas ang ulan hindi ba? Bakit ba ang kulit mo? Alam mo bang baka bukas din magkasakit ka dahil sa ginawa mo?" Salubong na salubong ang kilay na sabi nito.


"I'm just worried about you okay? Huwag kang mag-alala kahit naman magkasakit ako hindi naman ako magpapa-alaga sayo." Mataray na sabi niya at inirapan na iniwan niya ito. Padabog siyang pumasok sa loob at sinara ang pinto.

"Ako pa ang makulit, nag-aalala lang naman." Bulong niya habang kumukuha ng damit sa maleta na nasa ilalim ng papag. Mabilis siyang nagpalit ng damit pagkatapos ay umupo sa papag. Inabot niya pa ang lotion niya. Tinaas niya ang binti saka naglagay ng lotion.


"Ang suplado talaga niya....nakakainis." Bulong pa niya habang nagpapahid. Natigilan lang siya sa pagmamaktol ng biglang bumukas ang pinto. Naglumikot ang mata niya.



"Patawad sa inasal ko." Narinig niyang sabi nito, hindi siya umimik.


"Maggie..." Sa wakas ay tawag nito sa pangalan niya. Mabuti naman at alam naman pala nito ang pangalan niya. Tiningala niya ito, nakabihis na ito at magulo ang basang buhok. May nakasabit pang tuwalya sa batok nito.


"Bakit ang tagal mo? Hapon kapa umalis ha anong oras na." Demand na tanong niya, sumungaw ang ngiti nito. Huminga ito ng malalim pagkuway umupo sa harap niya, binaba naman niya ang binti.


"Siniguro ko lang kasi na walang masasayang sa mga tinanim namin sa bukid. Iniwan lang naman namin 'yung mga hindi mapapakinabangan. Bukas bubunutin namin ang mga iyon para gawing pataba." Paliwanag nito at bahagya pang binaba ang laylayan ng bestida niya.


"Okay naba 'yung bangka nila aling Issa?" Tanong pa niya dito. Tumitig naman ito sa mukha niya saka tumango.


"Oo, tinali ko ng maayos para hindi na tangayin ng tubig." Sambit pa nito.


"Alam mo gusto ko ng maghinala sa pag-aalala mo sakin." Nakataas ang sulok ng labing sabi nito, inirapan niya ito.


"Madali akong mag-aalala lalo na at kilala ko na ang taong nasa paligid ko." Sabi niya saka sumampa sa papag.


"Sige na lumabas kana, matutulog na ako." Aniya dito at binalot ang kumot sa katawan niya. Nagulat na lang siya ng bigla nitong hilahin iyon pagkatapos ay hinawakan ang paa niya.


"Levi---

Dumausdos siya pahiga ng hilahin nito iyon. Palihim siyang nataranta ng pumaibabaw ito sakanya.


"May nakalimutan pala akong gawin ng tanungin mo uli ako kahapon.." Nakangiting sabi nito sakanya at hinaplos ang buhok niya.

".....mabilis kasi akong ma-distract sa tuwing dumidikit ka sa akin. Hindi mo ba alam na marami na akong desisyong sinira dahil sayo? You ruined everything Maggie."


Umawang ang labi niya at mukhang doon ito nakakuha ng pagkakataon. He claimed her lips, hindi naman siya nakakilos sa ginawa nito. Bahagyang dumiin ang katawan nito sakanya. Napapikit siya ng maramdaman ang dila nito sa loob niya. Napakapit siya sa braso nito habang ang isang kamay nito ay nasa buhok niya.


It was overwhelming, hindi niya alam na magugustuhan niya ang ginagawa nito sakanya. Wala siyang nararamdamang kahit anong pagkailang dito. Namalayan na lamang niya ang pagtugon niya sa halik nito. Gumawa ng sariling landas ang isang palad nito sa bewang niya paibaba sa hita niya.


"Levi.." Lumayo siya dito ngunit muling sumakop ang labi nito. Saglit siyang natigilan ng maramdaman ang palad nito na pumasok sa bestida niya, binitawan nito ang labi niya pagkuway yumuko at pinasok ang palad sa loob ng suot niya. Halos hindi lumabas ang hangin sa bibig niya ng humaplos ang palad nito sa tiyan niya. He kiss every inch of her face, bumaba pa ang halik na iyon sa leeg niya at nag-iwan ng munting halik sa balat niya.


Sa tingin niya ay nagsanib ang katinuan at damdamin niya sa mga sandaling ito. Walang pumipigil sakanya, walang nag-iisip kung anong mangyayari sakanya pagkatapos nito. Walang nagpapaalala sakanya kung sino ang kasama o kung ano ang dahilan kung bakit nandito siya sa lugar na 'to.


"Ah...Levi." Tawag niya sa pangalan nito ng marating ng palad nito ang 'ibaba' niya at hinaplos ang ibabaw non. She was still wearing her underwear ngunit ramdam pa din niya ang init ng palad nito.

"You're so wet honey...." Bulong nito sa tenga niya, mas lalong bumilis ang haplos ng daliri nito. Napapaigtad na dumiin ang hawak niya sa braso nito, huminto ito sa ginagawa.


"How come...that one stranger like you can change everything." Usal nito habang nakatitig sakanya. ".....damn you Maggie." Sambit pa nito at hinaplos ang hita niya. Hinila nito ang kumot kanina at pinatong sa katawan niya pagkatapos ay bumaba ng papag.


"Matulog kana. Ayokong puyatin ka ngayon saka isa pa gusto ko lang matiyak kung ako na ba talaga.." Sambit pa nito at hinalikan ang labi niya pagkuway tumalikod. Nakasunod lang ang tingin niya dito....

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now