Chapter twenty

1.7K 47 1
                                    

''HINDI ko alam kung anong nangyari sa dalawang 'yan, basta noong nakaraang linggo nilapitan ako ni Martha hinahanap ka. Ang sabi ko nasa bakasyon tapos bigla nalang siyang nag-sorry at umiiyak."


Hindi naman maalis ni Maggie ang tingin sa kapatid na nakahiga sa hospital bed. Ilang beses na itong chineck ng doctor kaninang umaga, mabuti naman at stable na kahit papaano ang lagay nito. Sapat na para hindi siya mas lalong matakot. Napasabunot siya sa sariling buhok habang nakatingin pa din sa kapatid. Masyado talaga siyang nag-aalala dito, ito na nga ang isa sa kinatatakot niya eh. Ang masaktan ang kapatid dahil sa asawa.



"May alam kaba bess kung nasaan si Martha?'' Baling niya sa kaibigan, malaki na ang tiyan nito at mukhang ilang araw na lang ay manganganak na ito.


"Ah actually may inabot siya sakin." Anito at may kinuha mula sa maliit na bag. Inabot nito ang isang papel sakanya.


"Anong ginagawa niya sa Antipolo?" Tanong niya dito.


"Pinuntahan niya 'yung lola niya 'yung dating nag-alaga sakanya. Sabi niya kapag hinanap daw siya ni Andrew ibigay daw 'yan. Sigurado daw kasi siyang mag-aalala sakanya ang kapatid mo. At 'yan nga ang nangyari...''


Bumagsak ang balikat niya habang nakatingin sa papel.


"Pwede ko namang papuntahin ang asawa ko doon bess."


"Huwag na bes, masyado na akong nakakaabala sayo." Aniya at pilit ang ngiting binalingan ito.


"Ako na ang bahala, pagkatapos kong mag-iwan ng resignation letter sa office susundan ko si Martha doon sakanila."


Namilog ang mata ng kaibigan. "Magre-resign ka?''


Tumango siya.


"Oo bess."


"Pero bakit?" Nagtatakang sabi pa nito. Bigla niyang naalala si Levi, sigurado siyang mag-aalala ito sakanya. Umalis siya ng hindi nito alam, natatakot siya na baka magalit ito sakanya at mag-isip ng iba.

''Kapag okay na kasi si Andrew, balak kong bumalik sa Bo----



"A-ate...."


Sabay pa silang napabaling ni Teresa ng marinig ang malat na boses na 'yon. Nagmamadaling humawak siya sa kamay ng kapatid.


"W-wala bang masakit sayo ha?" Nag-aalalang sabi niya sa kapatid. Nakita niya ang paglunok nito at tumingin sa paligid na parang may hinahanap.


''Na-na-nasaan si M-martha?"


Bumuga siya ng hangin. "Nagkaganyan kana nga dahil sakanya siya pa din hinahanap mo."


"I-it's my fault ate Maggie.." Malat ang boses na sambit nito. Tinignan lang niya ito.



"P-please ate, ha-hanapin mo siya. I wan--- I want to see her.." Garalgal pa ang boses na sabi nito, nagkatinginan pa sila ni Teresa. Naramdaman niya ang pagpisil sa daliri niya ng kapatid. Niyuko niya ito.


"Sige, basta magpagaling ka lang hahanapin ko siya ha?" Aniya dito, bahagyang gumalaw ang ulo nito. Bagsak ang balikat na tinignan niya lang ang kapatid....


---------------*****



"A-ANO po? Umalis na siya dito?"


Nakita niyang sandaling nilapag ng matandang babae ang tungkod nito sa mesa pagkuway tumayo. Mabilis naman siyang umalalay dito.


"Salamat...'' Nakangiting sabi nito, nilipat niya ito sa wheelchair. Tinuro nito ang sulok, ngayon niya lang nalaman na may antique shop sila Martha. Sabagay hindi naman kasi niya gaanong kilala ito. Basta na lang kasi itong dinala ng kapatid niya at sinabing ikakasal na silang dalawa.


"Ang sabi sakin ni Martha bago siya umalis ay humihingi daw siya ng tawad sainyo.." Anito na kinuha pa ang isang pendant, tiningala siya nito.


"Ang inaasahan ko pa namang darating ay ang kanyang asawa. Nasaan si Andrew?"


Hinaplos niya ang braso. "Naaksident po siya eh..."


"Oh...'' Napahawak pa ito sa bibig. "....ayos lang ba siya?"


Tumango siya. "Opo, kaya lang gusto niyang makita ang asawa niya. Gusto ko ding kausapin si Martha para alamin kung ano bang nangyari sakanilang dalawa."


"Nandoon siya sa Romblon iha.." Sambit pa nito at may kinuhang papel sa ilalim ng vase. Inabot nito 'yon sakanya.


"Iyan ang address at sigurado akong sa tiyahin niya tutuloy si Martha. Gusto daw kasi niyang dalawin ang puntod ng mga magulang niya.'' Anito saka hinawakan ang kamay niya.


"Ulila ng lubos si Martha iha, ako na ang humihingi ng tawad dahil magulo pa ang kanyang isipan. Marami siyang bagay na hindi pa nangyayari ay gusto na niyang takbuhan.''


She took a deep breath, pinisil niya ang kamay ng matanda.


"Huwag ho kayong mag-alala, ayos na sakin ngayon ang lahat."


Ngumiti naman ito.


"Ah sige po, dito na ho ako."


''Sandali, dito kana lang tumuloy? May ilang kwarto pa naman sa itaas, anong oras na baka kung anong mangyari sayo sa biyahe."


"Salamat po pero may hotel na po akong matutuluyan. Nakapag-in po ako kanina bago ako pumunta dito. Bukas ng umaga aalis na ako."


Tumango ito. ''Kung ganon mag-iingat ka ha?"


Ngumiti siya.


"Paalam ho.." Sambit niya pagkuway lumabas ng antique shop. Sumagap siya ng hangin habang nakakapit sa handy bag at tumingin sa paligid.


'Okay....mukhang mapapa-travel alone na naman tayo bukas.'

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin