Chapter seventeen

1.7K 47 1
                                    


"ANO naman kayang susuotin ko nito?"


Naiinis na binalandra ng dalaga ang mga dress sa ibabaw ng papag. Iilan lang kasi ang dinala niya para may maisuot lang siya sa mga ganitong occasion. Hindi siya pwedeng magpatalo sa Cath na 'yon. Naghalukipkip pa siya kung ano ba ang magandang suotin, tumuon ang mata niya sa isang itim na dress na may slit sa gilid. Naalala niyang sinuot niya 'yon noong magkaroon ng welcome party. It was disaster, very common kasi 'yon at talagang trending kaya nagkaroon siya ng mga kaparehang suot.


"Honey baba kana doon."

Napabaling siya sa pinto ng bumukas 'yon. Nakita niya si Levi na nakatapis ng tuwalya ang kalahati ng katawan at basa ang buhok.


"Oh? Maligo kana don." Sambit nito, napanguso lang siya.

"Anong susuotin ko Levi?" Tanong niya sa binata.


"Kahit ano kung anong gusto mong susuo...tin.." Nawala ang ibang sasabihin nito ng makita ang mga damit sa papag.


"....'yan ang mga pinagpipilian mo?" Salubong ang kilay na tanong nito saka dinampot ang isang backless na dress.


"Expose masyado ang balat mo dito." Nakangiwing sabi nito at dinampot naman ang isa pa.


"Masyado namang maikli 'to." Sabi pa uli nito at kinuha naman ang nasa dulo.


"Do you have any dress?" Baling nito sakanya. Umiling lang siya at bagsak ang balikat na tumingala dito.


"Wala na eh."


Napailing lang ito at binalik ang tingin sa isang backless.


"May blazer ka diyan hindi ba?"


"Yes, I brought pink, black saka 'yung isa blue." Sabi niya dito.


"Good, ipartner mo dito 'yung black." Sabi pa nito na inabot ang hawak sakanya.


"Pwede ko namang suotin 'to ng walang nakapatong hindi ba?" Aniya at inangat pa 'yon dito.


".....see? hindi naman ganon kababa 'yung line niya sa likod. It's decent compare those." Nguso niya sa ibang damit.


"You call that decent?" Anito saka umiling sakanya. "....basta magsuot kapa din ng kahit anong pwede para hindi makita ang likod mo. Ayokong habang nandoon tayo maraming tumitingin sayo." Nakasimangot na sabi pa nito.



Napangiti siya sa sinabi nito saka nilapag ang hawak.


"Okay..." Masayang sabi niya saka nilagpasan na ito. Hindi pa siya nakakahawak sa pinto ay naramdaman niya ang kamay nito sa braso niya.


"Hold on honey.." Masuyong sabi nito, nagtatakang binalingan niya ito.


"Bakit?"


Tumaas lang ang sulok ng labi nito at hinila siya papalapit dito. Paulit-uli nitong hinalikan ang labi niya habang ang isang kamay ay gumagapang sa katawan niya. Tinulak niya ito sa dibdib.


"Levi nagmamadali tayo." Paalala niya dito. Hindi siya pinansin nito, bumaba pa ang labi nito sa gilid ng leeg niya. Umawang ang labi niya ng mag-umpisang humaplos ang palad nito sa 'ibaba' niya.


"Levi naman.."


"Hindi naman ganon ka-importante 'yon, kahit ma-late tayo okay lang." Narinig niyang sabi nito. Hindi na siya umimik ng bahagya nitong tinaas ang dress niya at tinanggal ang saplot sa ibaba. Sinandal siya nito sa pinto, bumagsak ang tuwalya nito sa sahig ng hubarin nito 'yon.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon