Chapter fifteen

1.8K 61 1
                                    

"BAKIT parang napapansin kong wala ng gaanong pumupunta dito? Hindi ba nabanggit mo sakin dati na pumupunta sila dito para makasagap ng signal."


Nilapag muna ni Maggie ang dalang basket na may mga lamang pagkain saka binalingan ang binata na inaayos ang nagkalat na papel sa drawer at sahig. Kahit hapon na ay nagtungo pa din sila sa watchtower, they decided to stay here tonight.

"Nakagawa na kasi sila ng paraan para makakuha ng signal kahit nasa bahay lang sila." Sagot nito, inayos nito ang linya ng mga papel at nilagay iyon sa ilalim ng drawer. Umupo naman siya sa papag habang pinapanood ito.


"Iyon ba 'yung parang mahahabang antenna sa nadaanan natin kanina?"


"Yes..." Anito saka tumayo at pinagpagan ang kamay. Binasa naman niya ang labi saka tumingin sa paligid.


"Palagi din ba dito noon si Cath?" Hindi niya alam kung bakit gusto niyang itanong iyon. Hindi sumagot si Levi kaya nilingon niya ito.


"Why? I'm just asking..." Nakalabing sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito at nilapitan siya. Lumuhod pa ito sa harapan niya.


"Nagtatanong ka na naman." Sabi pa nito, hinawakan nito ang binti niya pagkuway hinubad ang sandals niya. Tinukod niya lang ang dalawang palad sa magkabilang side niya.


"So araw-araw nga kayong nandito noon?" Mataray na tanong niya, tinignan siya nito.


"Oo...pero hindi kagaya ng iniisip mo. Kahit araw-araw ko siyang kasama noon walang nangyari sa aming dalawa." Sambit pa nito. Inarok naman niya ang tingin nito kung nagsasabi ba ito ng totoo.


"I'm telling you the truth honey..." Anito at bumuga ng hangin. "....ayokong may mangyari sa amin na alam kong malaki ang pagtutol sakin nila tita. Kung ayaw nila sa akin para sa anak nila wala akong karapatan hawakan si Cath. I'm willing to prove myself to them pero sinama na nila si Cath sa Maynila."


Hindi naman siya nakaimik.

"Kung hindi umalis si Cath, kayo pa din siguro 'no.." May halong bitter na sabi niya, lalong dumagdag lang ang inis niya ng tumawa ito.


''Huwag mo nga akong tawa----

Walang sabi-sabing kinabig nito ang batok niya at sinakop ang labi niya. Humawak siya sa braso nito at tinugon ang halik nito.


"Tapos na kaming dalawa Maggie..." He said between their kisses. Huminto ito at tinitigan siya. "....kaya wala kang dapat ipagalala ha?''


Tumango siya, binitawan naman siya nito pagkuway hinubad ang isa naman niyang sandals. Nilagay nito 'yon sa ilalim saka tumayo.


"Hindi kapa ba kakain?" Tanong nito habang pinagpatuloy ang ginagawa kanina. Tinaas lang niya ang dalawang binti at niyakap ang tuhod.


"Mamaya ng madaling araw, hindi pa ako nagugutom eh." Sabi niya. Nakita niyang natapos na sa ginagawa si Levi. Nagtugo ito sa gilid ng pinto at pinatay ang ilaw, tanging sa labas lang ang ilaw na binuksan nito.


"Mas maluwag dito kaysa sa bahay ko. Mas gusto mo bang dito na lang matulog?" Tanong ito, naaninag niyang hinuhubad nito ang pang-itaas na damit.


"Pwede naman sakin basta kung kasama ka." Sagot niya dito. Tumabi naman ito sakanya at niyakap siya, tumalikod naman siya dito at hinawakan ang braso nito.


"Wala kaba talagang pakialam kahit ganito ang estado ko Maggie?" Tanong nito mula sa likod niya. Bahagya niyang kinurot ang kamay nito.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now