Chapter twenty-four

2.2K 64 2
                                    


Levi Pov


''SA tingin ko naman ay fair 'yung offer namin saiyo iho. Afterall, matagal ang pinagsamahan niyo ng unica iha namin. She still loves you.''


Isa malalim na hangin ang pinawakalan ni Levi. He already expect this, hindi lang niya akalaing magiging ganito ka-direct to the point ang pag-uusapan nila ng mga magulang ni Cath. Buo ang tingin na tinignan niya ang mga ito. Sa tingin niya ay inaasahan nito na tatanggapin niya ang alok na binibigay ng mga ito.


"With all due respect sir, pero hindi ko po magagawa ang pabor na hinihingi niyo kapalit ng pagtulong niyo sa lupa namin. May girlfriend po ako at mahal ko siya..." Pormal na sabi niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mag-asawa.


"Pero iho, nalalagay na sa alanginin ang lugar mo. Alam namin ang kayang gawin ni Timothy para makuha iyon sa kahit na anong paraan. Hindi ka naman namin minamadali eh. Pwede mong pag-isipan ang sinabi namin. Importante sayo ang lupang iniwan ng iyong ina hindi ba?" Sabat ng ginang. Tumango siya at bahagyang ngumiti sa mga ito. He want to end this conversation as soon as possible, ayaw lang niyang maging bastos sa mga ito.


"Yes, napakaimportante ho nito sakin. Pero marami akong kayang gawin para hindi makuha ang amin..'' Aniya saka tumayo. "...pumayag lang naman ho ako sa paunlak niyo sakin dahil ginagalang ko ho kayo mula noon ma'am sir. But I won't accept your offer, dito na ho ako." Sambit pa niya at tumango sa mga ito. Nang hindi na mga ito nagsalita ay tumalikod na siya.


Napabuga siya ng hangin, hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Maggie ang pinag-usapan nila. Kaya lang ay baka siguradong ipilit nito na bilhin ang lupa nila.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now