Chapter three

2.1K 65 1
                                    


"ILANG beses ko ba kasing dapat na ipaliwanag sainyo na dayo lang ako dito? Hindi ko alam kung anong epektos or whatever na sinasabi niyo na idi-deliver ko dito, do I need to explaine pa din ba? I already give my personal information, ID, NBI at police clearance. At hindi ko din kilala ang lalaking iyon. Balak ko kasi munang kumain doon sa nakita ko sa harap ng hotel bago ako mag-check in."


Bumuga naman ng hangin ang police na kaharap ni Maggie saka tinignan ang papers sa harap pagkuway binalingan ang lalaking iyon na nakatayo sa gilid.

"Pwede ba kitang kausapin?'' Sambit ng lalaking iyon. Tumayo naman ang pulis at lumapit sa lalaking iyon. Bahagya lumayo ang mga ito, umirap ang dalaga sa hangin. Muli ay pinasadahan niya ng tingin ang lalaking iyon.

He was wearing a rugged pants, naka-tshirt ito ng kulay gray. Kung mamasdan pa ng mabuti ay tingin niyang luma na ang suot nito pati na din ang sapatos na may dumi pa. Muling bumalik sa pwesto ang pulis, tinitigan naman siya ng lalaking iyon.


"Sorry ho sa nangyari ma'am, pero saan ho ba ang punta niyo?"

Inabot niya dito ang papel na binigay ni Teresa.

"Nabanggit niyo na hinahanap niyo si inang Amy mula sa purok? Kaano-ano niyo ho siya?"


Bumuga siya ng hangin, so many question.


"Auntie ho siya ng kaibigan ko at binanggit niya sakin na pwede akong makituloy doon habang nagbabakasyon dito." Paliwanag niya, tumango ang kaharap saka ngumiti.


"Kilala ho namin si Teresa at ang auntie niya, mabuti na lang ho at dito niyo napiling magbakasyon ma'am. Kasingganda niyo po ang mga tanawin dito." Nakangiting sabi pa nito. Gumanti siya ng ngiti dito.


'Kaya nga eh...ang ganda nga lang ng bungad niyo sakin.'

Gusto sana niyang sabihin kaya lang huwag na. Ang gusto na lamang niya ay ang magpahinga.


"Marami na ang dayong nagtutungo dito. Hindi na bago ang normal niyang mukha sa lugar na 'to." Sabat ng tinig na iyon. Her smile faded, tiningala niya ang lalaking iyon.


'May problema siguro sa akin ang isang ito.'


"Kung ganon ay ako na ang maghahatid sakanya papasok doon." Anito at binalingan siya.


"Sumunod kana sa akin, ihahatid kita sa pupuntahan mo." Kaswal na sabi nito at tumalikod.

"Pasensya kana ma'am kay Levi. Nag-aalala lang kasi siya para sa lugar namin lalo na ngayong na kumakalat iyong balita na mula sa Maynila ay may nagdadala na din ng mga illegal drugs dito. Nagkataon ho kasi na nandoon kayo sa lugar kung saan ilang gabi na naming inaabangan ang nagde-deliver. Kayo pa ang nilapitan ni Jay-r."


Huminga siya ng malalim saka tumayo. "Ayos lang ho, sige ho.''


Paglabas niya ng police station ay naabutan niyang nakasakay na ang lalaking iyon.


"Baka pwede mo ng bilisan? Ang dami ng oras ang naaaksaya ko sayo." Inis na sambit nito. Tumikwas ang kilay niya.


"Ay wow. so kasalanan ko pa pala na na-mistaken identity niyo ako ha? Pasalamat ka nga at hindi kita pinakulong dahil basta basta na lang kayo nanghuhuli."


"Sakay na.." Utos niya na hindi man lang pinansin ang sinabi ko. HIndi man lang ito magso-sorry sakanya?! Ibang klase...


"Huwag na, kaya kong maglakad." Ma-pride na sabi niya.


"Bahala ka hindi kita pinipilit. Basta hindi ko kasalanan na matagpuan na lang ang bangkay mo diyan sa daan bukas ng umaga."


Napabaling siya dito. "What do you mean by that?"

Hindi siya nito pinansin, binuhay nito ang motor pagkuway nilagpasan siya.

"H-hoy sandali lang!" Tawag niya dito bago pa ito tuluyang makalayo. Nakita naman niyang huminto ito. Dala ang maleta ay tumakbo siya papalapit dito. Walang sabi-sabing kinuha nito ang hawak mula sakanya saka iyon nilagay sa harap nito. Nag-aalinlangan man ay sumampa siya sa likod. SInuri pa niya ang motor nito.


'Hindi naman siguro to kakalas mamaya right?'


"Ganyan ba kayo dito? I mean, hindi ko kayo ginigeneralize ha? Pero ganyan ba ugali niyo dito o ikaw lang? Wala naman akong ginawa sayo para tratu----

"Ano bang trato ang gusto mong gawin sa mga kagaya mo ng mga tao dito?" Putol nito at saka pinaandar ang motor. Sa takot na mahulog ay napahawak siya sa balikat nito. Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang matigas na katawan nito.


'Geez Maggie. kalma lang ha? Oo, sa tanang buhay mo ngayon ka lang naging malapit ng ganito sa lalaki kaya kalma lang ha?'


"Hindi naman ako nage-expect eh. Well atleast maging gentleman ka naman.'' Sambit pa niya.


"Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo miss, wala kang mapapala sa akin." Anito at binilisan ang pagpapaandar. Nanlaki naman ang mata niya at tuluyang napayakap sa likod nito.


"Pasalamat ka gusto ko pang mabuhay kung hindi ay kanina pa kita nasapak." May kaba na bulong niya dito. Halos tumama na ang tulis ng hangin sa mga mata niya, pakiramdam nga niya na ang nilagay niyang foundation na may spf kanina ay dinala na ng hangin eh. Sa oras talaga na makausap niya ang kaibigan, talagang masasabunutan niya ito..

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя