Chapter twelve

1.8K 68 1
                                    

"TALAGA? Sayang naman hindi tayo nagkakilala noon."


"Abala kasi kayo sa trabaho niyo noon kasama ng mga officemate niyo. Hindi ko naman kayo masisisi dahil big project niyo ang events na iyon." Sabi ni Troy, kapatid ni Cheska. Kasama pala nito ang kapatid ng magtrabaho sa Maynila. Nagkataong isa pala itong manager sa ginawang events noon ng company nila sa Lipa. Kauuwi lang nito kahapon at pinakilala sakanya nila aling Issa.


"Babalik kapa doon?" Tanong niya dito. Ngumiti ito, nakita niya ang dimples na lumabas sa magkabilang pisngi nito.  Twenty-six na ito, kasing-edad niya matanda lang siya ng isang buwan. Kahit simple lang ito ay hindi naman maitatagong gwapo ito.


"Oo, pipilitin ko kasing isama ang kapatid kong 'yan para ipasok sa isang department namin. Nag-alangan lang talaga kasi akong ipasok siya dahil palaging nakikipagtalo. Prangka pa naman ang lalaking 'yan." Nguso nito sa kapatid. Bumaling naman siya sa direksyon ni Cheska na papalapit sakanila habang nakataas pa ang dalawang kamay sa hangin.


"Ikaw? May plano kana din bang bumalik after ng vacation leave mo?" Tanong ng katabi, she nod at him.


"Oo hindi naman pwedeng magtagal ako dito dahil may mga upcoming projects kami."


"Hoy mga bakla!"


Sabay silang nilingon si Cheska.


"Oy inday halika nga dito at nangigigil ako sayo.." Sabi nito sakanya saka umupo sa tabi niya.


"Puntahan mo jowa mo, kanina pa kaya patingin-tingin dito." Sabi nito sakanya. Kumunot ang noo niya saka tinanaw si Levi na abala sa ginagawa.


"Kayo na ni Levi?" Tanong ni Troy, binalingan niya ito.


"Hindi ah, siya lang ang tumulong sakin dito." Sagot niya dito.


"Naku bakla, charot charot ka na naman! Sige na puntahan mo na ayain mo muna magmeryenda." Ani Cheska, tumayo naman siya at lumabas ng kubo. Habang papalapit siya ay nakita niya ang pagtingin ni Levi sa direksyon niya. Hindi maipinta ang mukha nito.


"Ah Levi.... gusto mo ba ng meryenda?" Tanong niya pa dito, hindi siya pinansin nito. BInalingan nito ang ilang matanda sa likod.

"Bukas na ho natin ituloy ito mang Kaloy. Magpahinga na ho kayo.." Sambit nito.


"Sige, papaliguan ko lang ito." Ani ng matanda. Umahon naman si Levi kaya lumapit na siya dito.


"Sige ho bye po!'' Nakangiting sabi niya sa mga matatanda saka humawak sa braso ni Levi.


"Bakit ang agad pala nating uuwi Levi? 3 pm pa lang ha?" Takang tanong niya habang naglalakad sila.


"May hindi kapa din ba tapos kausapin ha?" Salubong ang kilay na baling nito at inalis ang braso sa pagkakahawak sakanya. Inunahan siya nito sa paglalakad. Nagcross arm naman siya.


"Suplado talaga nito. Sandali lang!" Nagmamadaling hinabol niya ito.

Tahimik lang si Levi hanggang sa makauwi sila sa bahay nito. Ni hindi nga siya nito tinitignan man lang, hindi tuloy niya alam kung anong problema nito. Walang imik na umakyat lang siya sa itaas at pinanood si Levi sa ginagawa. Nakita niyang may kumuha muna ito ng damit na susuutin.

''Mauna ka ng kumain sakin iinitin ko lang 'yung nasa ibaba. Pagkatapos kong maligo kailangan kong dumeretso sa kina Aling Issa para i-check ang makina ng bangka nila. Baka gabihin ako." Malamig na sabi nito. Bumagsak ang balikat niya,

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now