Chapter eight

1.7K 69 0
                                    

"SINO nakaisip na magtayo ng watchtower sa gitna ng gubat Levi?"


Halos mangalay si Maggie sa pagtingala sa watchtower na 'yon. Kasunod si Levi na umakyat sila, hindi niya maiwasang mailap nang alalayan siya nito paakyat.

"May takot kaba sa matataas?" Tanong nito sa ibaba. Niyuko niya ito, mabuti na lang at naisipan niyang magsuot ng high waist na pants at hindi dress.


"Wala, marami na nga akong napuntahang lugar na mas matataas pa dito kasama si Teresa."

Tumango naman ito, nagpatuloy naman siya sa pag-akyat. Pagdating sa itaas ay hindi niya mapigilang mamangha. Tanaw na tanaw niya ang kumikinang na dagat sa dikalayuan. Pati na din ang mga nakapalibot ng nagtataasang puno.


"Oh my God. Ang ganda dito Levi.." Hindi niya maiwasang baling sa binata. Nakita niyang saglit nitong pinagpagan ang kamay saka tinignan siya.


"Kaming dalawa ni tandang Kaloy ang gumawa nito. Palagi kasing nasisira ang mga pananim nila, ako ang inatasan nilang magbantay dito para madagdagan ang kita ko. Dito din madalas kumuha ng signal ang ibang taga-baryo dito."

Tumango siya pagkuway kinuha ang cellphone at tinaas yon.


"Wala pa ding signal eh.." Aniya.

"Wala pa din?"

Naramdaman niyang lumapit sa tabi niya ang binata. Napabuga siya ng hangin dahil hindi pa din makasagap ang cellphone niya.

"HIntayin mo na lang mamaya, magkakaroon din 'yan." Sabi ng binata, nang lingunin niya ito ay pumasok na ito sa loob. Sumunod naman siya dito, parang bahay na din kung tutuusin ito. May papag sa gilid at maliit na mesa kabilang side. May dalawa pang lumang baso doon, nakita pa niya ang drawer na 'yon na may mga papel at radio sa ilalim.

"Ang dami mong raket ha.." Sambit niya saka umupo sa papag. Nakita niyang niligpit ni Levi ang dalawang baso at nilagay sa gilid.


"Kapag nagaksaya ako ng oras, marami akong nasasayang na pera.." Sabi pa nito habang nakatingin sa malayo. Kumibot ang labi niya habang nakatingin dito.


'Ang swerte ng magiging asawa niya, para kasi siya 'yung tipo ng tao na hindi ka pababayaan..'


"Wala ka bang mga kapatid Levi?" Tanong niya pagkaraan, nakita niya ang bahagyang pagdilim ng mukha nito.


"Meron." Tipid na sagot nito saka pumormal.


"Nasaan sila? May mga pamilya naba?"

Hindi ito sumagot, nakagat niya ang labi. Okay...nagiging intrimitida na naman siya.


"Ah hehe, huwag mo ng sagutin. Na-curious lang na----


"Nasa poder sila ng ama ko." Putol nito sa sasabihin niya, natigilan naman siya. Ibig sabihin may ama pa pala ito?

"Kung ganon? Bakit ikaw lang ang mag-isa dito? Dapat kasama mo sila hindi ba?." Curious pa din na tanong niya.


"Dahil hindi ko sila kailangan.." May inis ang tinig na sabi nito, binalingan siya nito. ".....nabuhay kami ng ina ko ng wala ang tulong nila. Napagtapos ko ng pag-aaral ang sarili ko ng wala sila."


Oh...nakapagtapos pala siya.


"Alam mo ba miss masyado ka ng maraming nalalaman sakin." Anito at lumapit sa harap niya. Tumingala lang siya dito.


"Sa susunod na magtatanong ka may hihingiin na akong kapalit sayo.." Nakataas ang sulok ng labing sabi nito. Nagsalubong ang kilay niya.


''Ano naman 'yon? Gamit ba? Puro damit ko lang ang dala ko eh saka ito." Aniya at tinaas ang cellphone. Unti-unti namang sumilay ang ngiti nito, natulala naman siya dito. Simula ng dumating siya dito ay ngayon niya lang nakitang ngumiti ito.


"How about a...kiss?" Usal nito.


"Ano?" Namilog ang matang paniniguro niya. Kiss ba daw kamo? Napaayos siya ng upo ng yumukod ito at pinantay ang mukha sakanya. Tumama ang mainit nitong hininga sakanya.


"Masarap sigurong halikan ang mga kagaya mo na hindi pa nagkaroon ng mga past relationship." Sambit pa nito na nilapit pa ang mukha sakanya.


"Oh! May signal na!" Bulalas niya at tinulak ito sa balikat saka mabilis na tumayo. Natatawang pinakita nya dito ang cellphone.


"See? Hehe. Sige labas muna ako." Sabi pa niya saka mabilis na lumabas. Kagat ang labing kunwari ay niyuko niya ang cellphone. Napansin niyang balikat pa ang pagkakahawak nya.

'Maggie what the heck?! Nasaan ang tapang mo na palagi mong dala kahit saan pumunta? Nagkakaganyan sa taong 'yon? For christ sake he's just a stranger!'


Malalim ang hininga na hamawak pa siya sa kahoy na trail at tumukod doon.


"Ay palaka ka!" Gulat na sabi niya ng tumunog ang cellphone, nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan ng kaibigan sa screen. May signal na!


"Hello? Bess!" Bulalas niya ng sagutin ang tawag.


"Hello---M-Maggie!" Putol-putol ang boses ng nasa kabilang linya. Nagpalakad-lakad naman siya.


"Hello Teresa!" Tawag niya pa sa kaibigan.


"I can't----Ma--maggie."


"Chappy ka bess! Wait ako ang tatawag sayo." Aniya saka pinatay ang tawag. Kinontak niya ang number ng kaibigan pero sa pagkagulat niya ay hindi na niya ma-contact ito.


"Ano ba naman!" Inis na padyak niya ng mawala ang signal. Bumuga siya ng hangin at tumnigin sa paligid. Palihim siyang tumingin sa loob, nagtaka siya ng hindi makita ang binata. Naisipan niyang pumasok sa loob, doon ay nakita niyang nakahiga sa papag si Levi at payapang nakapikit. Tinitigan niya ito.

'Baka sa oras na umuwi ako....mawala din itong nararamdaman ko.'

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now