Chapter twenty-two

1.8K 76 3
                                    

"I-I'M sorry ate Maggie. Nakokonsensya kasi ako sa ginawa ko kay Andrew, naging mabait siyang asawa sakin. Lahat ng gusto ko handa niyang ibigay, ako naman nabubulag pa din kay Jason. Akala ko kasi malinis ang intensyon niya sakin at gusto lang niya na mapabuti ako kaya niya ako hinayaan kay Andrew iyon pala may balak siya na kumuha ng malaking halaga kay Andrew. Tatlong araw pagkatapos ng kasal namin ni Andrew ay nakipaghiwalay na ako kay Jason kaya lang ay binabantaan niya akong may mangyayaring masama kay Andrew."


Humihikbing pinunasan ng dalaga sa harap niya ang luha. tumingin ito sakanya.


"A-ayokong mapa-mapahamak si Andrew kaya naisip ko na makipaghiwalay sakanya para pumunta sa malayo. Ka-kaya lang nalaman niya ang pakay ko at ang tungkol samin ni Jason. Nag-away kami, napagsabihan niya ako ng masakit na salita. I know it's all my fault.....pero ate mahal ko na ang kapatid mo.'' Umiiyak pa ding sabi nito. Nilapag niya ang dalawang palad sa mesa.


"Nasaan na ang Jason na 'to?"


"Ba-balita ko nakulong siya ng mahuli siyang kumukuha ng pera sa credit card ng hinuhuthutan niyang matanda. Nalaman daw kasi na hindi lang isa at dalawa ang karelasyon niya. Marami siyang kinukuhanan ng pera. Napakatanga ko." Mababa ang tingin na sabi nito.


"Alam mo gusto ko talagang maghiwalay na kayo ng kapatid ko eh. Nagsinungaling ka sakanya, pero wala kasi sakin ang desisyon. Kapatid ko pa din ang mananalo kung ano ang pipiliin niya." Sambit niya.



"Ate..." Tingala nito sakanya. "...m-makikipaghiwalay na lang ho ako. He's too good for me, I cheated on him, ambisyosa ako. I think that's enough para hiwalayan niya ako hindi ba? Ma-marami pa siyang makikilala na mas higit pa sakin." Garalgal na sabi nito. Umiling siya.


''Hindi mo kilala ang kapatid ko.." Aniya saka hinawakan ang kamay nito. "....kausapin mo si Andrew, ngayon kung ano man ang maging desisyon niya na saiyo na kung ano ang gagawin mo. If you continue to hurt my brother o babawi ka sa mga ginawa mo sakanya. Just let me remind you that i'm on his side. Ako ang makakalaban mo kapag nasaktan uli ang kapatid ko.''


Humihikbing tumango ito. ''I'm sorry uli..."


Pinisil niya ang kamay nito. "Go now, he's waiting Martha."

Ngumiti ito at pinunasan ang pisngi.


"Salamat ate.." Anito at saka tumayo, bitbit ang bag na tumalikod. Tumayo siya at sumunod dito, kumaway muna ito sakanya saglit saka nagpatuloy. Sinundan niya ito ng tingin habang papalabas ng gate niya. Huminga siya ng malalim pagkuway nagtungo sa garden na nasa likod ng bahay. Umupo siya sa swing na nasa gilid ng pot saka tumingin sa malayo.

Mabuti na lang at naabutan niya si Martha sa labas ng privare room ng kapatid niya kasama ang mommy niya. Matapos nitong kausapin ang mommy niya ay inaya niya ito sa bahay para doon sila magusap ng masinsinan.

Napukaw ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone, kinuha naman niya iyon mula sa bulsa.


"Hello bess?" Bungad agad niya ng sagutin ang tawag.


"Babaita ka galing ka pala dito kanina? Bakit hindi ka dumaan?'' Tanong nito mula sa kabilang linya. Kahapon pala ay nanganak na ang kaibigan at babae ang anak nito.


"Dumaan ako kaya lang tulog ka, ayaw ko namang istorbohin ka."


Hindi naman ito sumagot.


"Saka nakausap ko na si Martha pabalik na siya diyan. Mamayang 4pm babalik na din ako diyan, magpapahinga----



"Anong meron sainyo ni Levi Esmeralda?"


Natigilan siya sa binanggit ng kaibigan.


"Ha?"


"God bess, noong araw na umalis ka papuntang Antipolo sumunod sayo dito si Levi."


"A-ano?!" Napatuwid siya ng upo.


"Ang sabi ko sumaglit ka lang sa Antipolo para sundan ang asawa ng kapatid mo. Kaya lang hiningi niya sakin ang address na pinuntahan mo doon. Tapos nalaman ko na pumunta ka pa pala sa Romblon tapos sa Davao naman. Oh my God Maggie, palagay ko ay sinundan ka din ng lalaking 'yan kung saan ka pumunta."


Mabilis na kumabog ang dibdib niya.


"S-sandali, malabo 'yon bess. Hindi siya pupunta dito, saka paano niya nalaman ang address ko eh wala pa siyang alam na kahit ano sakin.."



"Walang imposible sakanya bess, kapatid niya si Timothy at sigurado ako----


"Wai-wait, what did you say?" Putol niya dito.


"Hindi mo alam na magkapatid sila ng chairman ng company natin? Si Ruby Esmeralda ang lola nila...sila ang isa mga mayayaman sa lugar namin. Ilang planta at factories nila ang halos kilala na sa ibang panig ng probinsya, hindi lang iyon pati na din sa ibang bansa at dito sa Maynila. Kaya lang, may issue silang magkakapatid. Hindi ko alam kung ano 'yon basta ang alam ko lang, lahat silang magkakapatid umalis sa mga magulang nila kasama na doon si Levi. Si Timothy lang ang naiwan."


"Paano mo nalaman lahat ng 'yan?"


"Dati kasing katiwala si tita Amy sa Mansion nila. Kaya nga nagulat siya kung bakit napunta doon si Levi eh. Sa akin niya lang sinabi 'yon, huwag na lang daw akong maingay sa iba."


Bumagsak ang balikat niya, naalala niya ang sinabi ni Cath sakanya. Na walang-wala siya kumpara kay Levi, pinagsabihan niya pa ng masakit ang binata at pinamukha dito na wala itong magagawa kung hindi ang tanggapin ang pera niya. Iyon pala....kahit anong bagay makukuha nito.

"Sandali, kayo naba ni Levi? Kasi bess hindi siya susunod sayo dito kung walang dahilan. Oo nga pala nakausap niya din ang mommy mo kanina, inutusan ko muna ang asawa ko na ihatid siya----


"A-ahm bess, huwag niyo munang banggitin sakanya na nakauwi na ako. Please, please..."


"Ha? Pero bakit?"


Napalunok siya at napahawak sa buhok kasabay ng matinding kabog ng dibdib niya.

"I-I'm ahm---balak ko kasing sumama kay mommy sa States pagkauwi n----


"Do you think you can run away from me again Maggie?"


Pakiramdam niya ay nayanig ang pandinig niya nang marinig ang tinig na 'yon. Dahan-dahan siyang bumaling, doon ay nakita niyang nakatayo si Levi habang matiim na nakatitig sakanya.  Napatitig siya sa maamo nitong mukha.


'Darn it, I've miss him!'

Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now