Chapter seven

1.8K 73 1
                                    


"NAKAKA-inis na ha..."

Pagod na umupos si Maggie sa itaas ng hagdan. Hawak ang cellphone ay tinaas niya iyon at nagbabakasakaling magkaroon ng signal. Sigurado siya na inaabangan na ng kaibigan ang tawag niya dahil mula ng makarating siya dito ay hindi na niya ito ma-contact. Bumuga siya ng hangin nang wala pa din signal na nasagap ang cellphone niya.

Gusto sana niyang tanungin si Levi kung may alam ba itong lugar kung saan may signal. Kaya lang ay hanggang ngayon naiilang pa din siya matapos ng pinag-usapan nila kanina. HIndi na nga niya magawang titigan ng deretso ang binata. Isa pa talaga ito sa gumugulo sa isip niya eh.


"Tsk, kung kailan ang dami ko sanang chika sayo hindi naman kita makakausap babae ka.'' Bulong niya saka bagsak ang balikat na tumingin sa paligid. Malapit ng sumapit ang gabi ngunit wala pa din si Levi. Nagpaalam kasi ito kanina na bibili lang daw ito ng rekado. She lick her lower lips.

'Duda talaga ako sa lalaking iyon. Alam ko na hindi siya basta magsasaka dito. Pero kapag tinanong ko naman siya, baka naman sabihin masyado na akong pakialamera sa buhay niya.'

"Anong ginagawa mo diyan?"

Mabilis siyang bumaling sa pinanggalingan ng tinig na 'yon.


"Levi!" Natutuwang bulalas niya ng makita ang binata. Akmang bababa siya ng hagdan ng maalala ang nangyari kanina.

"Ah....kasi naghahanap lang ako ng signal. Baka nag-aalala na sakin sina Teresa eh." Nahihiya pang sabi ko. What the heck?! Bakit para siyang batang tuwa-tuwa ng makita ito? Bitbit ang isang bayong na lumapit naman ito sakanya at huminto mismo sa harap niya. Nagpantay ang mukha nila.


"Wala talagang signal dito sa itaas ko. Kung gusto mo, isasama kita bukas sa watch tower. Malakas ang signal doon."

Nagliwanag ang mata niya.


"Really? Thank you, thank you talaga!"

Mataman lang siyang tinitigan ng kaharap. Napalunok siya.


"Ah sorry naman..." Aniya sa pagaakalang nakaharang siya sa daan nito. Tumayo siya sa hagdan, hindi niya alam kung aakyat ba siya o baba gayong nakaharang si Levi.


"Do you have a boyfriend?" Out of blue na tanong nito. Palihim siyang nagulat dito.


"Ha?"

Lumapit pa ito sakanya. "Ang sabi ko may boyfriend kaba? May naiwan kaba sa Maynila? Ang sabi mo sa akin lahat ng nasa paligid mo may mga pamilya na. Gusto ko lang masiguro kung may lalaki na bang nagmamay-ari sayo." Kaswal pa na sabi nito. Palihim siyang nataranta dito.


"Wait....wala!" Mabilis na sagot niya, nilapat niya ang dalawang palad sa dibdib nito para hindi ito tuluyang makalapit sakanya. Nakita niya ang unti-unting gumuhit na ngiti sa labi nito.


"Hindi ako makapaniwala na nai-intimidate ka sa kagaya kong mahirap lang..." Na-aamused na sabi nito. Napalunok lang siya, eh iba naman kasi talaga ang presensya nito sakanya. Isang mahinang tulak ang ginawa niya dito.

"Wala pa akong naging boyfriend sa buong buhay ko Levi. Kaya huwag ka ng magulat kung ganito ako kumilos sa harap mo okay?" Sambit niya, tinitigan siya nito.


"Sa tingin mo maniniwala ako?" Anito, nagpantay ang labi nya sa sinabi nito.


"You are still stranger to me Levi, wala akong pakialam kung paniniwalaan mo ako o hindi." Matigas na sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito.


Esmeralda Empire Series 1: Touching Your Skin (COMPLETED)Where stories live. Discover now